Forty-Five

275 9 0
                                    

Nagising si Hue na nakatulala lang sa kisame. Naghihintay na may mangyaring kakaiba pero wala.

Tok! Tok! Tok!

Anak? Ayos ka lang ba d'yan?” tanong ng isang babae sa likod ng pinto ng kwarto niya.

“Anak?” tanong ni Hue.

Wala siyang maalala masyado mula nung nagsimula siyang manirahan sa ordinaryong mundo noon.

“Ayos lang po ako.” sagot niya.

Dinalhan kita ng pagkain. Kung gusto mong kumain, kunin mo na lang…”

Agad binuksan ni Hue ang pinto at nakita niya ang mama niya.

“Caddy?” sabi niya.

“ 'Mama' yon para sa 'yo.” sabi ng mama niya sabay binatukan niya ng mahina si Hue.

“Sorry po.” sabi ni Hue.

“Honey, gising na ba si Hue?” tanong naman ng isang lalake.

Tumingin si Hue at nakita niya si Data.

“Pa?” tanong niya. “Sa mundong ito, mga magulang ko si Caddy at Data.”

“Kung ayaw mong pumasok ngayon, ayos lang. Baka kasi may jetlag ka pa eh.” sabi ng papa niya.

“Jetlag?”

“Nakalimutan mo na? Kauuwi mo lang galing ibang bansa. Nagpagaling ka mula sa sakit mong heart disease.” paliwanag naman ni Caddy.

“Pagkatapos ko pong kumain, pwede po ba akong lumabas at magpahangin?” tanong niya.

“Bakit naman hindi? Mas makagaganda nga iyon sa sitwasyon mo eh. Mag-ingat ka lang.” sabi ni Data.

Niyakap niya ang dalawa. “Masaya ako na makita kayong masaya, Pa.” sabi niya.

Nagtaka ang dalawa pero hindi na nila ito tinanong pa.

Matapos kumain ni Hue ay nagbihis siya. Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin. “Ako si Hue sa panahon kung saan unang nabuhay ang mga Fairy Rings.”

Lumabas na siya at nagtungo siya sa mga lugar na gusto siyang dalhin ng paa niya.

“Hue!” tawag sa kanya.

Agad siyang lumingon at nakita niya ang dalawa niyang matalik na kaibigan.

“Wood? Season?”

Nakita niyang magkahawak ng kamay ang dalawa.

“Hoy. Bakit tulala ka d'yan? Hindi mo na ba kami maalala? Ako 'to si Ryan.”

“Ryan?”

“Ako rin 'to, si Rica. Hindi mo na ba kami maalala dahil matagal kang nanirahan sa ibang bansa?”

“Ah. Hindi naman pero mukhang ganon na nga. Pasensya na kung hindi ko na kayo maalala ah.” sabi ni Hue.

“Nagkita na ba kayo ulit?”

“Kami?”

“Kayo ni…”

“Uwaaaa. Tito Ryan!!” sigaw ng isang babae habang hinahabol siya ng isa pang lalake.

Lumingon si Hue at nakita niya ang kambal na Fics.

“Sino sila?” tanong ni Hue.

“Si Synne at Shaune, mga anak ng kuya ko.”

Fairies: The Last Mission (Book3)Место, где живут истории. Откройте их для себя