Twenty-Two

215 8 0
                                    

“Nakausap ko si Risk at sinabi niya sa akin na may kumakalat na sakit na Cold Wave at galing ito sa puso ng Frozen Time o mas kilala natin sa tawag na Ryeth.”

“Cold Wave? Ano naman ang kinalaman non sa pagwawala ni Feeble kanila?” tanong ni Stout.

“Nagwawala. Nakakalimot sa kung sino ang kaharap nila. Ilan lang yan sa sintomas ng Cold Wave.” sabi ni Drown.

“Hindi.” sabi naman ni Stalwart.

“Stalwart. Anong hindi?” sabi naman ni Frail.

“Parehas man ng sintomas pero hindi ito Cold Wave.”

“Paano mo nasabi?” tanong ni Drown.

“Hindi nagiging bestia ang nadadapuan ng Cold Wave.”

“Huh?”

“Gaya ng sinabi ko, hindi nagiging bestia ang mga nadadapuan ng sakit na ito. Parehas man silang nagwawala at hindi makaalala, sigurado akong hindi Cold Wave ito. At ang Cold Wave…” sabi ni Stalwart at tumigil sandali. “…ay walang lunas. Lahat ng dadapuan nito ay namamatay o pinapatay ni Tyke. Yan ang mga nakita ng mata ko.”

“Kung ganon, anong klaseng sakit ang dumapo kay Feeble?” tanong ni Stout.

“May isang kwento noon na tuwing kabilugan ng buwan lumalabas ang napakalakas na magos ng isang tao. Tama ba ako Drown?” tanong ni Stalwart.

Tama nga si Stalwart. Dahil noong nakaraang mga siglo ay ganon din ang nangyari kay Drown matapos niyang gumising at ito rin ang dahilan kung bakit namatay si Fade.

“Tama. Nangyari na ito dati sa akin pero hindi ako nagpalit bilang bestia.”

“Sa tingin ko ang bestia na iyon ay ang Water Bestia na matagal ng natutulog sa loob ni Feeble.” sabi ni Stalwart.

“Water Bestia?” tanong ni Frail.

“Water Bestia ang nangangalaga sa katubigan ng Fairy Land.” sagot naman ni Drown.

“Base sa mga libro, pumipili sila ng host nila at doon natutulog.” sagot pa ni Stalwart.

“Posible rin na nasa loob din natin ang ibang mga bestia.” sabat naman ni Seph.

“Posible yon. Sa panahon na malaman natin na nasa loob n'yo ang mga bestia-ng iyon ay dapat handa tayo.” sabi ni Stalwart.

“At bago pa man mangyari iyon ay kailangan maunahan natin sila. Kailangan n'yong makontrol iyon bago pa man sila lumabas.” sabi ni Drown.

“Habang hindi pa natin nahahanap si Ryeth ay magsasanay muna tayo.” sabi naman ni Seph.

“Sa Hermit city kung saan nagsimula ang lahat.” sabi ni Drown.

Pumasok naman si Stout sa loob ng tolda nung makita niya si Feeble na nagising. Naiwan naman sa labas ang iba.

“Ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?” tanong ni Stout at umupo siya sa upuan sa tabi ng kama ni Feeble.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko n'yan. Sinaktan kita di ba? Sinaktan kita habang nagwawala ako.”

“Ah. Ayos na ako. Ginamot na ni Ancestor Drown ang mga sugat ko.”

“Hindi porket dati akong prinsesa kaya kailangan mong isakripisyo ang buhay mo para iligtas ako.” sabi ni Feeble at umupo siya.

“Hindi dahil prinsesa ka dati kaya isinasakripisyo ko ang buhay ko.” sabi naman ni Stout.

Napalingon naman si Feeble. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.

“Magmula nung una nating pagkikita. Alam ko sa sarili ko na gusto kitang protektahan. Gusto kong hindi ka mapahamak. Iaalay ko ang buhay ko para sa 'yo. Yan ang mga sinabi ko sa sarili ko na hindi ko naman nagawa. Hindi kita naprotektahan nung pinatay ni Ryeth ang mga magulang mo. Wala ako sa tabi mo nung pinatay ni Ryeth ang Hari. At nung nagwala ka kanina, hindi ko napigilan iyon.” sabi ni Stout

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now