Bonus Chapter

622 19 0
                                    

"Tapos na!!" sigaw ni Lamina, ang animal fairy.

"Tapos na ang alin?" tanong ni Srace.

"Ang ginawa kong potion para lumaki tayo."

"Mag-ingat ka lang ah. Baka mamaya d'yan mahalo yan sa ibang potion."

"Hahaha. Oo. Mag-iingat ako."

"Oyy. Pinapatawag na tayo para sa pagpupulong." tawag naman ni Crane sa kanila.

"Nandyan na."

Lumabas naman na sila. Ang bote ng potion na iyon ay naiwan sa lamesa. Maya-maya pa ay may pumasok na ibang animal fairy.

"Nakuha mo na ba ang mga gamot? Dadalhin na natin yan sa palasyo." sabi ng isa pang fairy.

"Hm? Teka. Isama mo na itong isa. Hindi ata nailagay d'yan." sabi nung isa at inilagay niya na ang bote ng potion na ginawa ni Lamina.

Pagkatapos ng pagpupulong ay agad bumalik si Lamina at nakitang wala ng mga bote.

"Sandali, nakita n'yo ba kung nasaan yung bote dito sa lamesa?"

"Ah. Yubg naiwang bote ng gamot? Isinama namin sa dadalhin sa palasyo."

"HUH? Hindi gamot 'yon!" sabi ni Lamina at lumipad na.

Bago pa man siya makalabas ng Pixie Hollow ay hinarang siya ng mga Guardian Fairies.

"Saan ka pupunta?" tanong nila.

"Teka. Nasa panganib ang buhay ng mahal na Reyna. Kailangan kong pumunta sa palasyo."

"Lamina, alam mong hindi tayo maaaring pumunta sa palasyo."

"Alam ko pero importante ito."

"Hindi talaga maaari."

"Tsk. Kailangan kong umisip ng paraan bago pa malaman ni Titania ito." sabi ni Lamina sa isip niya at bumalik na siya sa kanyang bahay.

* * *

Sa palasyo, abala ang lahat dahil may sakit ang mahal na Reyna-si Feeble. Buti na lamang aybnasa tabi niya si Stout at hindi siya iniiwan.

"Mahal na Hari. Nandito na po ang gamot na ipinadala galing pa sa Ixie Hollow." sabi ng isang Royal Maid.

"Maraming salamat. Ako na ang bahala dito."

Naiwan si Stout at Feeble sa loob ng kwarto. Inabot naman ni Stout ang binigay na gamot at pinainom ito kay Feeble.

"Giek." napaaray si Feeble sa hapdi ng dibdib niya.

"Ayos ka lang ba?"

"Hm. Ipapahinga ko lang ito. Magiging ayos na ang lahat."

* * *

"Hayy. Nasa panganib talaga si Wueen Quaine. Kailangan kong umisip ng paraan. Kailangan ko munang mahanap yung pangontra don."

Naghanap si Lamina sa buong bahay at nahanap niya ang isang potion.

"HUH? Ito lang ba ang meron ako? Ang pangpabata?"

"Lamina?"

"Ahhh! Passnsya na. Hindi ko sinasadya na mahalo ang ginawako sa mga gamot na ipapadala sa palasyo." sigaw ni Lamina sa sobrang takot.

"Anong sinabi mo?"

"Ah. Crane. Wala wala. H'wag mong intindihin ang sinabi ko."

"Lamina, alam ba 'to ni Titania?"

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now