Chapter 1 - Except You

25.9K 481 40
                                    

Naranasan mo na ba magmahal ng napaka tagal pero never ka binigyan ng kahit katiting na pagtingin?


Yung ang tagal tagal mo minahal, kulang na lang mag hubad ka sa harap niya pero di ka pa rin pinapansin?


Naranasan mo din ba na magpanggap na may jowa ka na at kunwari naka move-on ka na sa kanya pero di pa rin siya affected? Yung seenzone ka lang?


Pwes! Ako naranasan ko yan!


My name is Vienna Torres. Maganda, mabait, matalino, sexy, at mayaman. Isang perfect na babae sa mata ng karamihan.


Nasa Akin Na Ang Lahat except my crush, my love, my forever. Lahat na ata ng ways para mapansin niya ko ginawa ko na.


Nagpakulay ako ng buhok, gumamit ng iba ibang hairstyle every week, pero wala man lang isang - Nice hair, Vienna. It looks good on you.


Pinagluto ko na ng mga masasarap na ulam at desserts, kulang na lang maging personal chef niya ko, pero wala man lang isang - Thank you Vienna, pwede ka ng misis ko.


Palagi kong tinetext ng good morning at good night. Lahat na ata ng Facebook post niya nililike ko, pero wala man lang - Ang sweet mo naman, Vienna. Can you be my girlfriend?




Meet Miguel Castillo or Migs, ang lalaking lumaklak ng anaesthesia kaya naging sobrang manhid. Kahit ata bagsakan siya ng buko sa ulo, wala pa rin pakiramdam. Pero kahit ganun pa man, mahal ko si Miguel.


Langit at lupa ang pagitan namin ni Migs. Langit ako dahil apo ko ng multi-billionaire na si Don Demetrius Zamora, samantalang si Migs ay isang hamak na anak ng magsasaka lamang.


Magkababata kami dahil ang ama niya ay magsasaka sa farm ng lolo ko. Bata pa lang kami, crush ko na siya.


Oo bata pa lang ako, malandi na ko.

Bakit lumalandi ka din naman nung Grade Two ka ah? Inaaway mo pa nga yung classmate mo na crush mo naman, di ba?


At eto ang kwento ko kung paano ko napa-ibig ang isang manhid na tulad ni Migs...


Spoilers na naman!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant