Chapter 36 - All I ask

13.6K 256 5
                                    

Pumasok siya sa kwarto ko and his face is unreadable. Nakasandal lang siya sa pintuan and he just stared me with sorrow in his eyes.


Sad ba siya dahil mamimissed niya ko pag kasal na siya?


"Ibang klase ka din Migs. Gusto mo ng goodbye sex bago tuluyan magpatali kay Alice. Wala ka talagang habas na saktan ang... "


Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dalawang hakbang lang ay nasa harap ko na si Migs. Wala man lang pasabi at biglang inangkin ang labi ko.


Tsk! Goodbye kiss ba to? Pampalubag loob?


Pero di na ko nakapag isip pa ng kung ano ano dahil unti unti na ako nadadala ni Migs sa isang malayong lugar also known as heaven. Every time his lips touches mine, I feel very much alive.

Sakto ang kanta ni Adele or Bruno Mars sa na All I Ask sa mga oras na ito.


♫♫♫ If this is my last night with you, hold me like I'm more than just a friend. Give me a memory I can use. Take me by the hand while we do what lovers do. It matters how this ends cause what if I never love again? ♫♫♫


He owned me, but this time, as if he really loves me. Siguro mga pabaon na sandali bago kami maghiwalay ng landas. 

At ang tanga tanga ko din at hindi ko siya pinigilan. Sabi nga ng Westlife, I can't believe that I am the fool again.


"I love you Migs. And I'm sorry kung naging hadlang ako sa inyo ni Alice," sabi ko after our mind blowing event. But he didn't answer me at tinaasan lang ako ng kilay.

"I won't bother you anymore Migs. Di na ko maghahabol. I'm letting you go. I'll just find someone like you. I wish nothing but the best for you two," sabi ko habang hinahaplos ang mukha niya.

"Di ba kanta yan ni Adele?" natatawa niyang sabi.

"Ha? Bakit ka ba nangingialam? Moment ko to..."

"Eh kung sinasayawan mo na lang ako, eh di hindi mo need mag drama."

"Ayoko, nahihiya ako."

"Kumakanta ka ng KPop songs ng nakahubad, isang sexy dance number lang ayaw mo pa?" mapang-asar na sabi ni Migs.

"Ayoko. Hindi mo na makikita ang sexy pole dancing ever ko kasi ikakasal ka na. Ask mo na lang si Alice mag pole dancing sa puno ng kawayan," sabay talikod ko sa kanya pero niyakap niya lang ako at hinarap muli sa kanya.

"Vienna... "

"Ano yun Migs?"

"I'm happy na nakilala kita. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin. Sa pagtanggap mo sa akin kahit mahirap lang ako."


Tumango lang ako kasi tumutulo na yung luha ko. Eto siguro yung Mi Ultimo Adios sa akin ni Migs aka Ang Huling Paalam.


Imbes na pahirin ang luha ko, Migs kissed my cheeks as if napaka precious ng tears ko. He cupped my face and kissed me. In no time, we are making love again. This is the happiest and saddest moment of my life...


The end...


Charot lang. May next chapter pa... 

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon