Chapter 6 - Bigas

14.2K 305 6
                                    

After lunch, dumerecho na ko sa garage kasi kapag nalate ako, sigurado iiwan ako ni Migs.

"Good afternoon Migs!" bati ko sa kanya pagdating niya.

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa na para bang nasusuklam sa akin. Sleeveless mini tube dress ang suot ko. Kung kanina maikli ang skirt ko, pwes ngayon mas mailkli na lalo!

Sumakay kami sa pick-up truck at tahimik na nagdridrive si Migs. Obvious ang pagka-irita niya sa damit ko.

Protective kaya siya dahil kita na kaluluwa ko sa damit ko?

Naiinis kaya siya kasi di siya makapag concentrate sa makinis kong legs?

Or insecure siya sa outfit ko dahil mas gusto niya na siya ang naka dress?

Wala kaming usapan pagdating namin sa bayan. Tumigil kami sa isang rice store. Dito siguro magdedeliver ng bigas si Migs.

"Wag ka na bumaba ng sasakyan. Mabilis lang ako at ihahatid na kita agad sa ancestral house ng Lolo Demmy mo," sabi ni Migs bago bumaba sa pick-up truck. May ilang lalake na sumalubong kay Migs at tinulungan siya magbaba ng bigas sa likod ng pick up.

Bumaba ka na Vienna. Pasaway ka di ba? Wag mo sundin si Migs.

Hello? Ang ikli ng suot mo? Baka pagfiestahan ka ng mga kargador ng bigas!

Baba na bilis! Pagselosin mo si Migs!

Wag kang bumaba! Hindi ka ba marunong sumunod kay Migs?

Nag-aaway na naman ang demure at liberated kong conscience. And guess what kung sinong nanalo?

Nasa kalagitnaan na sila ng pagbaba ng bigas nang lumabas ako sa tinted Strada pick-up truck. As expected, lumuwa ang mata ng tatlong lalaking kasama ni Migs. Kulang na lang ay lamunin nila ako ng buhay.

"Miguel, chicks mo ba yung kasama mo?"

"Pare panalo. Akala ko may naligaw na model dito sa probinsya."

"Ang kinis parang artista. May girlfriend ka na pala di ka man lang napapa-inom."

Pagtingin ni Migs sa akin, kulang na lang ay patayin niya ko sa tingin. Mabilis siyang lumapit sa akin at kinaladkad ako papasok sa pick-up truck.

"Bakit ang tigas ng ulo mo Vienna? Di ba sabi ko wag ka bababa ng sasakyan?" galit na sabi niya.

"Nagpapahangin lang naman."

"Aircon sa loob, diyan ka magpahangin! Gusto mo ba na pinagtitinginan ka ng mga lalake? Again, wag ka bababa!" sigaw niya sa akin sabay malakas na sara ng pinto.

Dapat matakot ako kasi first time ko nakita na galit si Migs pero parang kinilig pa ko dahil nakita ko ang kanyang cabbage side, I mean savage side.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now