Chapter 41 - Matchmaker

14.7K 251 5
                                    

Maaga pa lang ay sinundo na ko ni Migs. Hindi ko na hinayaan na magkaroon pa kami ng goodbye moment at nag mamadali ako sumakay sa private plane ni Elijah.

Kaya ako nag vacation leave para kalimutan siya. Ayoko ng maraming memories at mahihirapan na naman ako mag delete ng mga alaala.

Pero siyempre umaasa ako na aakyat siya sa plane para pigilan ang pag-alis ko...


Vienna, wag ka umalis. Narealize ko na mukhang chaka doll si Alice.

Vienna, ikaw talaga ang mahal, please wag ka na pumunta ng Seattle.


Pero walang ganun. Sa pangarap ko lang may ganun na ganap. Fantasy lang, hindi reality. Dumating ako sa Seattle at di man lang nagparamdam si Migs. Walang goodbye call or text.


Asa naman ako! Mukhang excited pa nga siya na finally mawawala na ako sa paningin niya!


"May lakad ka ba bukas?" tanong ni Lolo Demmy habang nag didinner kami.


Simula nang dumating ako sa Seattle, palagi ako namamasyal sa labas. Madalas gabi na ako kung umuuwi. Gusto ko maging pre-occupied para di ko maisip si Migs.


"Naka ikot na ko sa downtown Seattle, so baka magpapahinga lang sana ako bukas. Why po?"

"My kumpare's son is also here in Seattle. I want you to meet him."

"Lolo Demmy, I am fine. I know what you are doing. Isang linggo na ko dito at mukhang nakakalimutan ko naman yung lalakeng dapat ko kalimutan. Wag ka mag-alala sa akin."


Hindi totoo! Sinungaling ka Vienna!


Di ko pa rin talaga makalimutan si Migs at bawat araw na nalalapit na ang kasal niya, mas lalong hinihiwa ang puso ko.


Sirain ko kaya ang kasal niya? Pasabugin ko kaya yung bahay ni Alice?

Tsk! Para akong isang pathetic loser na naghahabol kay Migs sa mga iniisip ko!


"Vienna, magkakasundo kayo ng anak ng kumpare ko. Sigurado ako makaka move-on ka ng tuluyan."

"Kailan ka pa naging match maker lolo?"

"Meet him tomorrow morning, around 10AM. Yung driver ko ang bahala sayo. I already said yes to my kumpare so I hope pagbibigyan mo ko."


Tsk! Nakaplano na naman pala ang blind date ko. As if naman my choice ako.


"Ano ba hitsura ng anak ng kumpare mo? Ayoko ng probinsyano ah? Ayoko ng may dimples, ayoko ng kayumanggi. Gusto ko mayaman. Gusto ko walang alam sa bukid. Gusto ko... Gusto ko..."

"Gusto mo exact opposite ni Miguel?"

"Parang ganun na nga. Saan kami magkikita?

"Sa Washington Park Arboretum. Siya mismo ang pumili na dyan kayo mag meet."

"Buti naman at may pagka romantic at may taste ang blind date ko. Marunong pumili ng lugar kung saan maraming high class na halaman. Si Migs walang taste. Mukhang damong makahiya yung napili niyang asawahin."


Tinawanan lang ako ni Lolo Demmy. Siguro dahil obvious sa kanya ang pagiging butter ko, I mean bitter...

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon