Chapter 21 - Flexible

14.3K 306 12
                                    

Paglabas ni Arabella, isang matalim na irap ang natanggap ko kay Migs.

"Anong trip mo? Kung ano ano sinasabi mo kay Arabella?" mahinang tanong ni Migs.

"Gusto ko lang siya mainis at iwan tayo. Teka Migs, anong nararamdaman mo?"

Ngayon ko lang napansin na may dugo na tumutulo mula sa ulo ni Migs, malamang dahil sa car crash impact namin. Kaya pala hindi siya kumikibo masyado, malamang nahihilo na siya dahil madami na dugo nawala sa kanya.

"I am fine. Kaya mo ba abutin yung knife ko malapit sa shoes ko?"

Pareho kaming nasa swivel chair ni Migs at hindi nila tinali ang paa namin. Tinanggal ko ang stiletto shoes ko at kinapa ang knife ni Migs na nasa lower legs niya.

"That's it, can you pull it using your feet?"

"I'll try, sa isang kondisyon?"

"Ano yun, Vienna?"

"Kapag nalagpasan natin to, I want you to be my boyfriend."

"Pag nakalaya tayo dito Vienna, papakasalan pa kita," natatawa niyang sabi pero alam ko na nanghihina na siya.

Using my feet, inipit ko ang small knife na nakatago sa socks niya. I slowly pull it at dahan dahan kong inangat ang binti ko at nilapit ang knife sa kamay ni Migs.

I don't care kahit makita niya ang singit ko. Sabagay, naghubad nga ko sa harap niya kanina.

"Flexible ka pala, Vienna. Tignan mo si Arabella kung babalik," sabi niya habang tinatanggal ang rope sa braso niya. Sinubukan din niyang tanggalin ang rope sa braso ko pero mukhang papalapit na si Arabella.

"Migs, she's coming."

"Gamitin mo yung ropes. Itali mo uli ng bahagya ang braso mo, kunwari nakatali ka pa," bulong ni Migs.

Pagpasok ni Arabella, para parin kaming nakatali ni Migs, She so pre-occuppied at hindi niya masyado napapansin na loose na yung rope.

"Oh Chloe, Vienna and her loverboy driver are still alive. Pero you won't see them breathing if you will not transfer the money to my account! I am giving you an hour!" sigaw ni Arabella sa phone.

"That's your mother Vienna. I told her that I will leave your family alone once na transfer na niya ang pera, but of course, that is a lie. I will use that money to kill each and everyone of you!"

"Arabella, I am sorry about what happened to your mom. Lolo Demmy loved her."

"Loved her? They killed her! They killed my mom! Hindi ko man lang siya nakita sa funeral niya!"

"Janice resisted the arrest and killed herself."

"What? No... That's not true."

"Iyon ang totoo. You can even try to request for the old police files. She was the one who pulled the trigger."

"No, my mom was killed! She did not commit a suicide!" sigaw ni Arabella na mukhang naguguluhan.

Mabilis naman tumayo si Migs sa upuan at inagaw ang silencer ni Arabella. He punched her in the face and Arabella was knocked unconscious.

One down, five armed men to go. Dahil di aware ang limang lalaki sa labas sa mga nangyayari, ginamit ni Migs ang silencer at madali silang napatamaan ng bala ni Migs sa binti at balikat.

"Call your dad, tell him we are okay," sabi ni Migs sa akin.

"Are they dead?"

"No, daplis lang yung tama nila but they won't be able to move."

Mabilis kong tinawagan si daddy at sinabi ang location namin. Malapit lang kami sa car crash site. Sigurado ako na mahahanap nila kami agad.

"Migs... Thank you, you saved me," sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya. I can't believe na malalampasan namin ang gantong pagsubok.

"It was you Vienna who saved me."

Akala ko tapos na action scene at kissing scene na ang susunod na magaganap pero isang putok ng baril ang umalingawngaw. Naramdaman ko na lang na bumigat ang braso ko at biglang tumulo ang dugo.

The unconscious Arabella is now awake and she is holding a small Smith & Wesson revolver. She was about to fire shots again nang biglang humarang si Migs sa akin. He received three consecutive gun shots.

"Migs!" sigaw ko sabay hawak sa katawan niya na unti unting bumagsak floor. Si Arabella naman ay mabilis na tumakbo palabas ng factory.

"Vienna..."

"Migs, hold on. Padating na sila daddy. Dadalin ka namin sa hospital. Everything will be okay!"

"Vienna, I..."

"Fuck you Migs! You can't leave me! Sabi mo papakasalan mo ko di ba?" sigaw ko habang nakikita ko pumipikit na ang mata niya.

"Vien..."

"Don't you dare leave me! No! Migs! May usapan tayo!" I cried and I shouted at the top of my lungs. Nakahiga ang ulo niya sa binti ko at nagpapanic na ako sa dami ng dugo na nakikita ko.

"Hey... I am still here..." mahinang sabi ni Migs sabay hablot ng batok ko. Hinalikan niya ang mga labi ko para tumigil ako sa kakasigaw.

It was a light kiss and that's all I can remember before I embraced the darkness.

The End

Charot lang! Kailan ba gumawa ng kwento ang lukaret na author na hindi happy ending?

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now