Chapter 34 - Italian

13.5K 292 11
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at kumukulong mantika at the same time. May third degree burn na ata ang puso ko sa mga oras na ito. Ilang minuto ng nakalabas si Alice saka dumating si Migs.


"Nagkita ba kayo?" malamig kong sabi kay Migs, as in mas malamig pa sa freezing water ng paliguan ng mga polar bears.

"Nagkita? What do you mean?"

"Nagkita ba kayo ni Alice? Maybe not, dahil dito siya dumerecho para ipamukha sa akin na fiancee mo siya."

"What? Pumunta siya dito?"

"Yes, Migs and she told me everything," sabi ko with the fakest smile of them all. 


Gusto ko pagsasampalin si Migs ng Pizza sa magkabila niyang pisngi. Gusto kong ibato sa mukha niya ang freshly baked Lasagna.


"Vienna, ano bang sinabi niya sayo?"

"Well, sinabi lang naman ni Alice na kayo ng dalawa officially. And she's aware that you just want to be my boyfriend para sa pera. Kaya ka pala pumayag sa triple pay dahil gagamitin mo ang pera sa kasal niyo," sabi ko sabay labas ng pera sa wallet.

"What? Para sa kasal namin?"

"Ten thousand lang ang dala ko na cash. I will transfer the rest of your payment to your account. Thank you for your services," sabi ko sabay iwan ng pera.


Mabilis akong tumayo at lumabas ng restaurant. Nakakagalit si Alice. Nakakapoot si Migs, pero mas naiinis ako sa author, ang daming alam...

Ang ganda ganda ng kwento mo sa kakambal ko (The Last Heartbreaker), happy ending sila ni Harvey Weston tapos ako pathetic ending ko?


"Vienna, hindi kita maintindihan. Talk to me. Sinabi ni Alice na ikakasal na kami?" tanong ni Migs sabay hablot sa braso ko nang nasa labas na kami ng restaurant.

"Wala ako naririnig. Taxi taxi!"

"Vienna, please let's talk. Don't do this to me."

"Kung gusto mo ng pera para sa grand wedding niyo ni Alice, sana humingi ka sa mga lolo ko at kay daddy. Di ka naman nila tatanggihan," sabay hablot ng braso ko sa kanya.

"Alam mo na hindi ko gagawin yun."

"At ano ang mas pinili mo gawin, Migs? Ang tanggapin ang ridiculous offer ko para sa kasal niyo? Sumagi ba dyan sa utak mo at manhid mong puso na masasaktan ako ng very slight? Na ma ooffend ako ng very mild?"

"Vienna, I accepted your offer because..."

"Because of your upcoming wedding with Alice! Pinamukha na sa akin ni Alice yan kanina. Paulit ulit?" sagot ko sa kanya sabay sakay sa taxi.

"Vienna... I am sorry..."


Sorry? Fuck you, Migs!


Pero di na ko sumagot pa at sinara ang pinto ng taxi. Gusto ko umiyak pero nauuna ang galit. I guess kasalanan ko kasi pinilit ko ang sarili ko kay Migs kahit alam ko na hindi niya ko mahal. Ako ang kontra bida sa love story nila.


Siguro kaya hindi niya ko hinahalikan sa lips...


Kailangan ko na siguro itigil ang kahibangan ko. Ako lang ang kawawa. Well kawawa naman ako since day one di ba?


Ano tawag ni Sierra sa akin? Desperate...

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon