Chapter 19 - Virgin

14.3K 261 2
                                    

Pinababa kami ng sasakyan ng mga masked men. At dahil naglocked ang seatbelt, kailangan pa nila gumamit ng knives para matanggal ito.

"Migs... Eto na ata yung sinasabi ni lolo na death threats," bulong ko sa kanya paglabas namin ng sasakyan.

"Ssshh. Keep quiet, I will protect you," sabi ni Migs. Niyakap niya lang ako as if saying na walang dapat ikabahala.

"Sabi ko naman sayo, dapat pumayag ka ng maging boyfriend ko."

"Ano bang sinasabi mo Vienna?"

"Ayokong mamamatay na virgin, Migs," mahina kong sabi sa kanya.

"Akala ko ba maraming ng lalake ang nakakita ng hubad mong katawan?"

"Echos ko lang yun. Para sayo lang ang katawan ko. Pag namatay akong virgin, mumultuhin talaga kita at pagsasamantalahan."

"Really Vienna? Ayan ang naiisip mo sa mga oras na to?" nakangiti na bulong niya.

Di ko alam kung naiinis siya o natutuwa sa sinasabi ko.

Alam ko nagtraining si Migs ng martial arts at self defense skills, pero wala siyang laban sa limang lalaking may ArmaLite M-15 rifles na nakatutok sa amin.

"Sumunod kayo sa amin kung ayaw niyong masaktan," sabi ng isang lalake.

Bopols, as if naman papalag kami sa ArmaLite?

Pinapasok kami ng limang lalaki sa isang black tinted van at hindi pa rin ako binitawan ni Migs.

Kung saan man kami dadalin ng mga armadong lalakeng to, di ko na sure kung makikita ko pa ang umaga. At least, mamamatay ako kasama si Migs, pwede na yun.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now