Chapter 40 - Goodbye Kiss

14K 273 2
                                    

Nagpaalam naman ako ng maayos sa parents ko at pumayag naman sila. Elijah is on his way to New York kaya sasabay na ako sa private plane niya.


"Migs, wag mo na ko sunduin bukas. I am on leave starting tomorrow," sabi ko kay Migs habang nagdridrive kami pauwi.

"Nasabi nga sa akin ni Lolo Demmy na isang buwan ka mawawala dito sa office."

"Di mo man lang ako tatanungin kung saan ako pupunta?"

"Nope..."


Aba! Walang pakialam talaga sa akin si gago! Bakit ba ko umaasa na pipigilan niya ko umalis?


"Migs, di ako makaka attend ng kasal niyo ni Alice. Congratulations in advance na lang."

"Di ka naman invited."


Kailangan talaga na ipamukha sa akin na hindi ako invited? Tsk!


Gusto ko sakalin si Migs sa mga oras na ito, pero baka mabangga kami. Minabuti ko na tumahimik habang nag-aapoy ako sa galit.


"Ako nga pala maghahatid sayo sa airport bukas," sabi ni Migs pagdating namin sa bahay ko.

"No need. Sasabay na lang ako kay Elijah."

"Ano ba sabi ko? Di ba ako maghahatid sayo?"


Tignan mo talaga tong lalakeng to! Napaka demanding! Parang boyfriend makautos!


"Sure... Bahala ka," sabi ko sabay bukas ng pinto.


Di ko na hinintay si Migs na sumagot at pumasok na ako sa loob ng bahay, pero hinarang uli ni Migs ang kamay niya para di ko maisara ang pinto.


"Gusto mo ba uli ng goodbye sex?" inis kong tanong sa kanya.

"Nope..."

"Ano ba gusto mo? Kung wala ka ng sasabihin, lumayas ka na. See you after a month..."


Pero biglang hinablot ni Migs ang braso ko papalapit sa kanya and he planted a quick passionate kiss on my lips.


"Goodnight Vienna. Have a safe trip tomorrow," sabi ni Migs sabay pasok sa elevator.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt