Chapter 25 - Etienne

13.6K 307 5
                                    

Ang ancestral house ng Lolo Demmy ay malapit sa beach at overlooking sa karagatan. Ang sabi ng mommy, dito mismo nagp ropose ang daddy ko. Buntis na si mommy noon kay Kuya Matthew and that exact same day, kinasal din sila ni daddy.

Akala ko mag-isa lang ako sa beach, pero may natanaw akong isang lalake na naka beach shorts at shades. Mukhang foreigner based sa light brown hair niya. Mukhang artista dahil ang ganda ng katawan.

Teka, si Zac Efron ba to?

No, kahawig lang. Mahal ang talent fee niya para mag guest sa story ko.

Natanaw ako ng lalaking foreigner at nagsmile lang siya sa akin. Ngumiti lang din ako kasi mukha naman siyang friendly.

Teka, private resort ito ni Lolo Demmy? Bakit may naligaw na pogi dito?

"Vienna Torres..." sabi ni Mr. Foreigner na parang kinakain ang sinasabi but in a good way. Kakaibang accent na parang French pero maganda pakinggan.

"I am sorry, do I know you?"

"Etienne Fontaine. Elijah's friend, remember?" sabi ni Mr. French Fries sabay bigay ng kamay for handshake.

"Etienne? Wow, it is good to see you. You look great."

"Thanks Vienna. You look phenomenal as always. I like your short hair."

Si Etienne Fontaine ay Filipino French classmate at basketball buddy ni Elijah nung highschool. Kung dati, mukhang siyang nerd. Ngayon, mukha siyang Greek god from Mt. Olympus na may French accent."

"Teka, Elijah is here? I thought he is in New York," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa beach.

"He was about to go to New York, but when he found out that I just arrived here in the Philippines, he canceled his flight.

"Ahh, bakit ka napasyal sa Pinas? Naghahanap ka ng mapapang-asawa noh?"

"Parang ganun na nga. You know that my mom is a Filipina and I would love to marry a Filipina someday."

Mag volunteer na kaya ako kay Etienne? Alam ko type niya ko since high school days.

May Alice na naman si Migs eh! Grrrr!

"Ano ba gusto mo sa babae? Maraming akong single lady friends na pwede ko ipakilala sayo?"

"Simple lang ang gusto ko, yung parang tulad mo..." nakangiti niyang sabi sa akin.

Kahit pixie cut ang hairstyle ko, feeling ko ang haba ng buhok ko. Kilala ko si Etienne, mabait at matalino. Isang perfect na lalake na pwede ko mahalin para kalimutan si...

"Vienna!"

Kakalimutan ko nga di ba? Bakit naririnig ko ang boses ni Migs?

Di ko na nasagot si Etienne dahil may tumatawag ng pangalan ko. Pag lingon ko, andoon si Migs sa di kalayuan. He is wearing his usual white shirt getup with faded jeans na papalapit sa amin. He has a grim expression na parang isang Signal 4 na bagyo.

"Is that your boyfriend?" tanong ni Etienne nang malapit na si Migs.

"Uhmmm.. My..."

Teka, ano ko nga ba si Migs? Friend? Driver? More than friend? Love of my life?

"I am his fiancee... I am Miguel," sagot ni Migs sabay bigay ng kamay kay Etienne for handshake.

"Congratulations pare. Congratulations Vienna, mag-aasawa ka na pala," nakangiting sagot ni Etienne na inabot naman ang kamay ni Migs.

"Ah eh... oo, biglaan lang... As in kanina lang."

"Nice meeting you Etienne, please excuse us. Come on, Vienna. Kailan ko sinabi na pwede ka na umalis?" seryosong tanong sa akin ni Migs sabay hila sa kamay ko.

"Uhmm... I need to go Etienne. See you!" sigaw ko kay Etienne dahil kulang na lang kaladkarin ako ni Migs palayo kay Mr. French Baker.


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now