Chapter 11 - After Dinner

12.5K 279 5
                                    

Di naman awkward yung dinner dahil palagi ko kinakausap si Alice. Si Migs lang ang palaging walang kibo.

"Vienna, I think we should go home. Medyo madami ka na nainom," sabi ni Migs sa akin.

"Nabusog ka ba Alice? Best seller at specialty talaga ng restaurant lahat ng inorder ko."

"Oo, Vienna salamat."

"Let's go Migs, hatid muna natin si Alice. Saka pwede buhatin mo ko paakyat sa kwarto natin? Di ko na ata kaya umakyat ng hagdan."

May emphasis sa word na natin na para bang magkasama kami mamaya ni Migs sa iisang kwarto. Dahil parang anak anakan na ni Lolo Franco si Migs, may kwarto din siya sa mansion.

Puntahan ko na lang kaya si Migs mamayang gabi sa kwarto niya para tapos na ang paghihirap ko?

Pero di ako sinagot ni Migs at inalalayan lang ako tumayo. Hindi naman ako lasing pero kailangan ko ang acting talent ko sa mga oras na to.

Habang nasa sa sasakyan kami, sinadya ko talaga na sumandal sa shoulders ni Migs para lalo magselos si Alice.

"Giniginaw ako Migs. Wala ka ba jacket?" malambing kong sabi kay Migs. I keep touching his arms as if saying kay Alice na may gagawin kami ni Migs mamayang gabi.

"Wala. Hihinaan ko na lang yung aircon."

"Wag na, yung mga yakap mo sapat na sa akin para painitin ang mga gabi ko."

Nang hinatid ni Migs si Alice sa tapat ng bahay nila, kitang kita ko na nagdadabog na pumasok si Alice. Gusto man siya habulin ni Migs pero nagsara na agad ito ng gate.

Eh kasi pa hard to get ka pa eh! Buti nga sayo! Behlat!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon