Chapter 37 - Maldives

13.9K 276 2
                                    

Pag gising ko, wala na si Migs sa tabi ko. Malamang umalis na nung madaling araw dahil baka makita pa ni mommy at daddy.


"Hoy Vienna, anong oras na? Breakfast ng 11 AM?" tanong ni Sierra nang bumaba ako sa dining room. Simula nang maging asawa niya si Harvey, natuto siya magluto ng masasarap na pagkain.

"At ikaw Sierra, pang ilan na kain mo na yan? Ang siba mo kumain. Buti hindi natuturn off asawa mo sayo. Asan pala ang mommy at daddy?" sabi ko sabay kain ng marami.


Emotional and stress eating ako ngayon. Lalamon ako ng bongga!


"Tumawag kagabi. Nag overnight sila sa isang resort. Don't worry, di nila nakita na lumabas si Migs sa kwarto mo kaninang 3AM."

"At nakita mo siya kaninang 3AM? Buntis ka, bakit ka nagpupuyat? Alam mong masama ang pagpupuyat. Nanuod ka na naman ba ng National Geographics? Tsk! Nerd!"

"Tsk ka din! Vienna, wag mo ko baligtarin. Ang issue dito ay ikaw. Patola ka sa lalaking ikakasal na. Humingi ka pa ng remembrance kagabi kahit may mahal na siyang iba.."


"Sinong ikakasal na?"


Napalingon na lang kami ni Sierra at nakita namin si daddy na biglang nasa dining room na. Kasunod niya si mommy na sumabay sa amin sa pagkain.


"Ah wala po. Yung friend ko ikakasal na," mahina kong sagot kay daddy.


I'm not sure kung narinig niya yung sinabi ni Sierra. Napaka daldal kasi ni buntis, walang preno bibig.


"Yung friend niya na labs niya, kaya hayun broken hearted si Vienna," natatawang sabi ni Sierra na walang kahit anong traces ng empathy.


Inirapan ko lang siya. Gusto ko siya tuhugin ng tinidor sa kadaldalan niya kahit buntis siya.


"Si Migs ba yung tinutukoy mong friend?" biglang tanong ni mommy at kulang na lang na mabulunan ako sa sinabi niya.

"Ikakasal na si Migs? Napaka swerte naman ng mapapang-asawa ng bata na yun. Mabait at masipag si Migs. Buhay prinsesa ang asawa niya. Di ka ba affected Vienna? Di ba type na type mo si Migs?" dagdag na tanong ni daddy.

"Ako type ko si Migs? Crush ko siya dati pero may taste na ko ngayon," deny to death ko na sabi.


Pero kahit mag deny ako, alam pareho ng parents ko na first love ko si Migs at alam nila na hanggang ngayon, di pa din nagbabago ang feelings ko...


"Mommy, ano ireregalo natin kay Migs? Parang kapatid na tingin ko sa kanya dahil anak anakan siya ng Daddy Franco. Siya pa ang nagligtas kay Vienna noon. Malaki utang na loob ko sa batang yun."

"How about trip sa Maldives for two? Honeymoon gift natin sa kanila," sagot ni mommy kay daddy na mukhang excited sa wedding ni Migs.

"Tsk! Libreng bigas na lang at saka canned goods," inis kong sagot sa kanila.


Alam naman nila na heartbroken ako, kailangan pag-usapan ang gift sa kasal sa harap ko pa?


"Mommy, ampalaya kasi inulam ni Vienna kagabi kaya bitter yan," natatawang sabi ni Sierra.


Si mommy at daddy naman mukhang masaya pa sila sa suffering ko. Siguro dahil alam nila na once na maikasal na si Migs, makaka move on na ako ng tuluyan...


Di lang nila alam na mas pipiliin ko pa mag madre kaysa magmahal ng ibang lalake...


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now