Chapter 26 - Triple Pay

13.8K 284 8
                                    

Nang makalayo na kami kay Etienne, saka lang ako nagsalita.

"Di ba nag-usap na tayo kanina sa phone? Sabi ko, di ba sabi ko uuwi na ko sa Manila?"

"Pumayag ba ko?"

"Eh di ba sinagot ka na ni Alice? Eh di ba kayo na? Ano gusto mo sirain ko yung love team niyo? Gusto mo ba ng kontra bida to spice up your boring and pitiful love life with her?"

"Di ba sinira mo na when you said to her that I proposed to you?" sabi ni Migs sabay bukas ng pinto ng kotse. Isa ito sa mga kotse ng Lolo Franco na madalas niya din ginagamit.

"Saan ba tayo pupunta? Yung gamit ko nasa kabilang pick-up truck."

"Get in, I will get your things. Call Lola Liza, sabihin mo sinundo na kita at babalik na tayo sa mansion," utos ni Migs sabay alis. Pumunta siya sa kabilang pick-up truck at kinuha ang gamit ko.

Ayaw ba ko paalisin ni Migs?

Pero wait lang, kailangan ko pa magpakipot ng konti. Di ba mga hard to get tulad ni Alice ang type niya?

This is my chance para mag-inarte!

"Migs, kailangan ko na bumalik ng Manila. Marami ako pending na trabaho," sabi ko kay Migs pagpasok niya sa sasakyan.

"Alam ko na binilin mo lahat ng trabaho mo sa secretary mo at kay Elijah. And the fact that Elijah is here, it means na walang problema sa company."

Nagsisimula pa lang ako mag-inarte, alam niya agad! Tsk!

"Unless gagawin mo kong girlfriend mo, wala na akong balak na alagaan ka..."

"Mapilit ka talaga Vienna..."

"Available pa yung job offer ko sayo. Three times your salary. Pwede mo ipagpatuloy ang work mo kay lolo, just be my boyfriend for a month or two, plus additional benefits."

"What additional benefits?"

"You will get the chance to sleep with me, Migs"

"You are really..."

"Desperate? Chapter two sinabi ko na yan, that is old news," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa bintana.

Pipigilan ako umalis tapos ayaw naman akong gawin na girlfriend? Labo!

"After all the rejection Vienna, you still insist to be girlfriend..."

"Blah blah blah Migs. Ang dami mo sinasabi. Sagutin mo nga ko ng derecho. Tatanggapin mo ba yung offer..."

"Yes..."

"Hhaaaa?"

"I said yes. I am accepting your offer."

"Totoo? Promise? Papayag ka maging boyfriend ko?"

"For one month? Yeah why not. Mataas na ang sweldo na binibigay ng lolo mo sa akin. Triple it and that's a lot of money. Plus, as you have mentioned, I have the chance to fuck you. All I need to do is to pretend and to live as your boyfriend for a month or so..."

Dapat masaya ko pero bakit parang nasaktan ako sa sinabi ni Miguel. Yung pain na mabigat sa dibdib na parang may nakadangan na hollowblocks? Yung pain na parang may knife na humihiwa sa puso na dahan dahan?

Gusto lang ba niya ng pera?

I doubt it, mas madami company na kumukuha sa kanya na mas mataas ang sweldo pero mas preferred niya maging driver ng lolo.

Gusto lang ba niya ng fuck body?

I don't think so. Di man aminin ni Migs, alam ko na madami ang nagkakandarapa na babae sa kanya.

"Vienna, bakit ka biglang tumahimik?"

"Ha? Ah eh wala naman."

"Dala ni Elijah yung chopper, pwede na tayo sumabay sa kanila nung foreigner pag-uwi. And I have one condition."

"Ano yun?"

"I want this to be a secret between us only. I don't want my employer to know that I am banging his grand daughter."

"Ahhh ok sure," sabi ko sabay tingin sa labas.

Dapat excited ako pero bakit ako kinakabahan? Ano ba tong pinasok ko?

Minsan nakaka confuse din ang true love at landi. Sana next time ilagay nila sa Wikipedia ang symptoms ng landi versus true love.


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now