Chapter 17 - Dance

13.6K 285 7
                                    

Bagay talaga kami ni Migs dahil best actor din siya. Napaka natural ng acting niya as if boyfriend ko talaga siya.

"Oh Vienna, is that your hubby?" tanong ni classmate number one.

"Girls, this is Miguel, my boyfriend," matamis kong sabi sa kanila. Migs just smiled at them showing his pair of dimples.

Shit, magugunaw na ba ang mundo at panay ang ngiti ni Migs?

Isang ngiti mo pa, malalaglag na panty ko!

"Vienna, ikaw talaga. Kailangan ka level talaga ng mga kuya mo ang boyfriend mo, sobrang pogi din," sabi ng isang highschool classmate ko.

"Saan kayo nagkakilala? Bakit wala ako nabalitaan na boyfriend mo Vienna?" curious na tanong ng isa ko pang classmate.

"Vienna is my childhood sweetheart. We know each other since we were kids. First love, kumbaga," sabi ni Migs sabay yakap sa bewang ko ang halik sa tenga ko.

Shit na malagkit! Color kamatis na ba ko?

Pota ka author, pinapaasa mo lang ako kay Migs!

"Wow naman naman Vienna. Nasayo na ang lahat!"

Oo, nasa akin na ang lahat, except this man who is pretending to be my boyfriend.

Natapos ang wedding ceremony at consistent ang pagprepretend ni Migs as my boyfriend. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Minsan, he is also pulling me closer to him at nakahawak pa sa bewang ko.

"Are you enjoying this Vienna?" tanong niya sa akin habang nagsasayaw kami sa dancefloor.

Patapos na kasi ang wedding event. Nakayakap siya sa akin and I grabbed my chance to hug him back while we are dancing.

"Of course Migs. I am enjoying every fucking minute with you. Would you like to work for me instead?"

"Work? Anong work?"

"Pretend as my boyfriend. Dodoblehin ko ang sweldo mo kay lolo."

"Nagpapatawa ka ba?"

"Or I will triple your pay, pakasalan mo lang ako."

"Pakasalan? Wag mo ko paglaruan Vienna."

"Kailan ba kita pinaglaruan Migs?"

"Kanina sa kwarto mo, pinaglalaruan mo ko. Akala mo ba na nakakatuwa na naghuhubad ka sa harap ko?"

"Hindi ka natutuwa? I thought you are enjoying the view."

"I enjoyed it Vienna, but I won't fucking touch you."

"Totoo Migs? You won't touch me?" bulong ko sa kanya sabay dikit ng dibdib ko sa kanya.

I gently caress his hair at wala ako pakialam kung may makakita sa akin. I slowly kissed his ears and send wet kisses to his neck.

"Vienna, ano bang ginagawa mo? Di ka naman lasing..."

"You are my boyfriend di ba? Di ba ganito ang ginagawa ng magboyfriend?" sabi ko na patuloy pa rin siya hinahalikan sa leeg. Konti na lang naman ang mga guest at almost lahat ng natira ay couples.

"Let's go home Vienna..." sabi niya sabay tulak sa akin ng bahagya at kuha sa kamay ko.

"Ang KJ mo noh? Tama si Sierra, halaman ka nga."

"Halaman?"

"Halaman, walang pakiramdam. Walang sexual desires. Asexual! Manhid!"

In that moment, akala ko sasaktan ako ni Migs. Marahas niyang hinawakan ang kamay ko at pumunta kami sa newly weds para magpaalam na.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now