Chapter 15 - Make Me

13.8K 283 4
                                    

Pagbaba ko sa parking lot, andoon na si Migs naghihintay sa tapat ng isa sa mga black SUVs ni Lolo Demmy. As usual, he looks breathtakingly handsome. Pero kahit tulo laway ako pag nakikita siya, di ako nagpapahalata.

Sa loob ng sasakyan, isang tanong, isang sagot lang ang usapan namin ni Migs. Professional at formal conversation lang.

Sana next time pag tinanong ko siya na Mahal Mo Ba Ako? Sana isang sagot na Oo na lang matanggap ko.

Mukhang seryoso nga ang death threats na nareceived ni Lolo dahil mula sa office, papunta sa parlor hanggang sa bahay, bantay sarado sa akin si Migs na parang isang overprotective body guard.

"Aso ka ba? Kanina ka pa sunod ka ng sunod sa akin ah?" naiinis kong sabi kay Migs na nakasunod pa rin sa akin papasok ko sa mansion.

Simula nang inamin ko sa kanya na mahal ko siya noon, nagkaroon na kami ng space between us called awkwardness.

"Ginagawa ko lang trabaho ko, senyorita."

"Which is?"

"Hindi ka daw dapat mawala sa paningin ko."

"Is that so? Why don't you come inside my room then?" sabay bukas ko ng pinto ng kwarto.

"Dito na lang ako sa labas, senyorita."

"Ilang minuto ko magstay sa loob ng kwarto ko at mawawala ako sa paningin mo. Lolo will be disappointed if you will not do your job."

Of course, I am just teasing him, pero pumasok si Miguel sa kwarto ko para di na humaba ang usapan.

Uy, wag kang ganyan Migs, baka atakehin ako ng pagka landi ko.

"Kamusta naman ang work mo kay lolo?" sabi ko habang dahan dahan na tinatanggal ang buttons ng blouse ko sa harap niya.

Yes, sa harap talaga niya. Deal with it.

"Maayos naman. Nag-eenjoy naman ako," sabi niya using his coldest voice ever.

"Bakit ka pumayag na ikaw maghatid sa akin? I know you hate me," sabi ko habang unti unti kong hinuhubad ang skirt ko.

Slowly and seductively. Kulang na lang ang mapang-akit na kanta ni Britney Spears na Make Me at ang pole, pwede na ko sumayaw na parang isang bayaran na babae sa harap ni Migs.

"I don't hate you Vienna. And your lolo insisted. Hindi ko siya matatanggihan."

"Really? Hindi ka tumutol?" tanong ko sabay talikod sa kanya.

I slowly removed my brassiere. I am sure he can now see the nakedness of my back.

"I'm only doing my task, Vienna."

"Kamusta nga pala kayo ni Alice? Do you have plans on getting married?"

"We are not together. Hindi pa rin niya ko sinasagot. And Vienna, pwede sa bathroom ka magbihis?" inis niyang sabi sa akin.

"But why Migs? You only see me as your sister anyway. You should not be affected even if I stripped naked in front of you," sabi ko habang tinatanggal ang underwear ko pero nakatalikod pa din sa kanya.

"Hindi tama na... dyan ka sa harapan ko nagtatanggal ng damit."

"Maraming ng lalaki ang nakakita ng hubad na katawan ko. It does not bother me anymore," sabi ko sabay punta sa walk-in closet.

Charot lang yun! Kahit mukha akong malandi, wala akong pinagbibigyan ng sarili ko.

I am saving it for Migs, pero mukhang malabong patulan ako nitong lalakeng to!

Pagkatapos ko magbihis, dumerecho na kami ni Migs sa Laguna. Tulad nga ng inaasahan, wala kaming kibuan.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now