Chapter 39 - Condition

13.9K 268 3
                                    

Nag video call ako kay Lolo Demmy para personal na mag request ng vacation leave pero mukhang double team pa sila ni Elijah laban sa akin.


"Vienna apo, I think highly of you. You should be professional. Don't mix your love life with your work," natatawang sabi ni Lolo Demmy habang kumakain ng dinner.

"Magleleave nga po ako dahil gusto ko magpahinga. Walang kinalaman si Migs dito."

"Balita ko ikakasal na siya next month. Is that the reason why you are asking for a one month leave?" seryosong tanong sa akin ni lolo.


Kahit ang Lolo Demmy, aware siya na bata pa lang ako, mahal ko na si Migs. Kung ganito siya kaseryoso, wala na akong choice kundi aminin sa kanya ang totoo.


"I don't think that I can function properly knowing na ikakasal na siya. Gusto ko sana bumalik sa opisina after na ng kasal niya. At least di na ko aasa. At least maisasampal ko na sa mukha ko na may asawa siya."

"I can't approve your job transfer, Elijah is the CEO now."

"I know and he already rejected my transfer request. Kaya nga humihingi ako ng favor sayo kung pwede payagan mo ko mag leave ng one month. Lolo, ayoko lang talaga makita si Migs habang papalapit ang kasal niya. Baka mamaya kidnapin ko siya at ikulong sa kwarto ko forever!"

"Consider it done," nakangiting sabi ni Lolo Demmy sa video.

"Totoo po? Papayagan mo yung leave request ko?"

"I just have one condition, Vienna."


Ayoko ng ganitong tono ni Lolo Demmy. Maraming alam na kalokohan ang matandang ito at isang master manipulator. Alam ko na may tinatago siyang hidden agenda.


"Ano yun lolo?"

"You will stay here in Seattle with me sa loob ng isang buwan. Sasamahan mo ko dito during your vacation."


Ah, gusto lang pala ng kasama ng matanda...


"Walang problema lolo. Basta wag ko lang makita ang mukha ni Migs, solve na ko. Kukuha ko ng doctorate degree sa Letting Go and Moving On course habang andyan sa Seattle."

"Baka first day mo pa lang sa school, bumagsak ka na," natatawang sagot ni Lolo Demmy.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now