Chapter 44 - Alimatha Island

18.1K 329 32
                                    

Kaya pala gusto ni Lolo Demmy na dito ko sa Seattle magbakasyon... 

Kaya pala nireject ni Elijah ang job transfer request ko... 

Kaya pala may trip to Maldives gift pa si mommy at daddy kay Migs... 

Nagpropose na pala si Migs in advance sa kanila at ako lang ang walang alam.


Hinayaan nila ako na mag-assume na si Alice ang papakasalan ni Migs because they are secretly preparing for my wedding. Migs got the idea from my daddy. 

After a few months, kinasal kami ni Migs sa Seattle. Tulad nga ng inaasahan, trip to Maldives ang gift ni mommy at daddy para sa honeymoon namin ni Migs.


"Migs, may itatanong ako sayo..." mahina kong sabi ko kay Migs habang naglalakad kami sa white beach sand ng isang aquatic resort sa Maldives.

"Ano po yun senyorita?"

"Sabi mo sa akin noon, you only see me as a sister. Totoo ba yun?"


Tumigil si Migs sa paglalakad at hinila ang braso ko papalapit sa kanya. Hindi siya kumibo but his eyes are locked on mine.


"Migs, kapatid lang ba talaga ang tingin mo sa akin noon?"

"Vienna, nung nagpapanggap ka na na heatstroke sa gitna ng bukid, gusto na kita buhatin ka papasok sa kwarto ko sa mga oras na yun. So the answer is no. Hindi kita tinuring na isang kapatid. I always wanted you to be mine."

"Sana ginawa mo na, di naman ako tatanggi."

"And you know what, I really hate you during that time."

"Hate me? Bakit?"

"Vienna, you were seducing me numerous times when you know that I can't do anything. I was trying my best para hindi ka itanan nung mga oras na yun."

"Sabi ko nga sayo, di naman ako tatanggi. Kahit nga pagsamantalahan mo ko sa damuhan."

"Di pa tayo graduate noon. Gusto ko makatapos ng pag-aaral at maging isang lalake na magiging proud ka. Yung hindi mo kailangan mag trabaho dahil ako na lang ang bubuhay sayo."

"I am proud of you Migs. You are the love of my life and my hero. Nasa akin na ang lahat, including you. I am so thankful to God dahil mahal mo din pala ako. You really made me happy, Migs," sabi ko sabay lagay ng kamay ko sa leeg niya.

"I am happy too, Vienna. You are everything I want and I need. And I will cherish you, always and forever," sagot ni Migs before he kissed me and the sun in the horizon became our witness.


---The End---

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Där berättelser lever. Upptäck nu