Chapter 31 - Au Gratin

13.6K 262 1
                                    

I can't remember how many times I made love to Migs and yet, hindi niya ko hinahalikan sa labi. Nakiusap na ko at kulang na lang magtumbling ako sa kama, pero hindi pa rin niya ko hinalikan.


Bad breathe ba ko? May foot and mouth disease ba ko?


Maliwanag na nang magising ako at ramdam ko ang sakit ng katawan ko dahil sa kalokohan ko kagabi. Tulog pa si Migs at sigurado ako mamaya pa siya gigising, unless siya si Superman at may energy pa siya, pero I doubt it.

Gusto ko siya nakawan ng halik, pero baka mabigla si Migs at masapok ako ng wala sa oras kaya minabuti ko na iwan muna siya sa kwarto.

Nagsimula akong magluto ng Chicken Potato Au Gratin casserole na favorite ni Migs. Sinamahan ko pa ng Corn Chowder soup at ice cream for dessert.


"Anong niluluto mo?" tanong ni Migs na kagigising lang at walang saplot na naglalakad sa living room ko.


Magrereklamo pa ba ko? Parang libreng live show?


"Yung favorite mo, malakas ka sa akin eh."

"Ang bango naman. Teka Vienna, pwede ba ko umuwi sa bahay after lunch?" tanong niya sabay halik sa leeg ko.

"Oo naman, bakit ka pala uuwi?"

"Vienna, wala ako damit dito. Gusto mo ba palagi ako nakahubad dito na naglalakad sa bahay mo?"

"Pwede naman. Nag-eenjoy naman ako."

"Nasa apartment lahat ng uniform ko. Saka may pasok na ko sa lunes."

"Gusto mo ba samahan kita?"

"I would love that pero ako magdridrive. I just received a memo from your grandfather and he assigned me temporarily as your bodyguard. May kinalaman ka ba dun?"

"Ako? Sus! Bakit ko naman rerequest yun?"

"Vienna?"

"Ok fine! Nagrequest ako kay lolo para walang magduda kung magkasama tayo. Happy?"

"No, ecstatic," sabay yakap niya sa akin at halik sa noo ko.


Sana next time sa lips naman...


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon