Chapter 16 - Boyfriend

13.7K 294 2
                                    

Isang garden wedding ang pinuntahan namin ni Migs sa Laguna. Andoon ang mga friends ko nung high school at lahat sila ay may dalang plus one.

"Vienna, asan ang boyfriend mo? Don't tell me hindi mo kasama?" tanong ng isa kong classmate dati na bridesmaid din.

"Uhmmm..."

"Akala ko ba dadalin natin lahat ang boyfriend natin para couple party tayo?" dagdag pa ng isa kong classmate.

"Uhmmm.. Nasa parking lot lang, may kausap sa phone. Excuse me girls, pupuntahan ko lang."

Mabilis ko pinuntahan si Migs na nakasandal sa black SUV. He looks gorgeous. Hindi mapagkakamalan na driver or body guard.

"Migs, I need your help."

"Ano yun senyorita?"

"I need a plus one in this wedding event. Please pretend to be my boyfriend."

Pero tinaasan lang ako ng kilay ni Migs. Yung mga mapang husga na kilay niya that looks seductively sexy.

"Alright, I am in..." nakangiti niyang sabi sa akin.

Wait, he's in?

Teka, teka, totoo ba to? Nasa totoong buhay ba ako or fiction lang na gawa ng lukaret na author?

At aba, himala. Marunong pala ngumiti si Migs? Akala ko serious and poker face lang ang alam nito.

"Are you okay Vienna?" tanong ni Migs nang mapatulala ako sa kanya. Di ko nga sure kung tumulo pa nga laway ko sa kanya.

"Ha? Yeah. Thanks. Let's go."

Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Migs ang mga kamay ko papasok sa resort kung saan gaganapin ang garden wedding.

Holding Hands? OMG! Next time, I will ask Migs to pretend as my husband bwahaha!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now