Chapter 8 - Leche Flan

13.7K 297 11
                                    

Ang ancestral house ng Lolo Demmy ay malapit sa beach pero nasa kabilang side ng island province kaya it took us almost an hour para marating iyon.


"Hihintayin ba kita o bukas ka na uuwi?" tanong ni Migs sa akin after ng mahabang awkward silence sa loob ng sasakyan.

"Mabilis lang ako. Hintayin mo na ko," sabi ko sabay bukas ng pick-up door pero di pa din bumababa.

"May problema ba Vienna?"

"Yung legs ko, di ko na naman maigalaw. Pwede mo ba ko tulungan na bumaba?"


Inirapan lang ako ni Migs at nag deep sigh. Bumaba siya sa pick-up truck para sumunod sa utos ko kahit napipilitan. A triumphant smile appeared on my lips when he slowly touched my bare legs para buhatin ako pababa.

Alam ko sa mga oras na yun, namumuhi na sa akin si Migs because he knows that I'm seducing him. At kahit di niya aminin, I know he's affected.


Affected? Baka assuming ka lang?

May pagnanasa sa mata ni Migs na very very wild. Hindi niya maitatago yun sa akin.

Pagnanasa? Baka pagkasuklam dahil kita na singit mo sa suot mo?


Ayan na naman ang mga conscience ko. Umeeksena at gusto pa ng highlights...


"Gusto mo ba buhatin pa kita papasok sa loob ng ancestral house?" inis na tanong niya.

"I'm fine. Hintayin mo na lang ako" sabi ko sabay kindat sa kanya.


I can see that he's clenching his fist dahil na din sa inis. Nasimulan ko na ito, hindi na ko magbaback-out sa kalokohan ko.

Kinamusta ko lang ang Lola Liza at Lolo Enrico na siyang nakatira sa ancestral house ng mga Zamora. Dinalhan ko sila ng pasalubong galing sa Manila. Ang Lolo Demmy ay may bahay sa Manila, sa New York at sa Seattle kaya bihira lang umuwi dito.

Mabilis ako bumalik dahil​ baka bigla din ako iwan ni Migs. At dahil napipikon na siya sa akin, maari niyang gawin yun.


"Napatagal ba ko?" tanong ko pagsakay ko sa truck.

"Hindi naman. Sakto lang."

"Migs, tikman mo tong leche flan na gawa ni Lola Liza," sabi ko sa kanya sabay subo sa kanya ng leche flan na nasa plastic container. Tatanggi pa sana si Migs pero nasa tapat na ng bibig niya ang leche flan.

"Masarap ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Sakto lang."

Di pa ko nakontento at sinubuan ko pa siya paulit ulit ng...


Leche Flan!


Grabe, ano pa ba pwede ko isubo sa kanya? Wala naman akong hotdog!


In fairness, mukhang natuwa naman si Migs dahil ang sarap ng Leche Flan ni Lola Liza. Kinuha ko ang panyo ko at di na ko nagpaalam na idampi ito sa mga labi niya.


"May Leche Flan ka kasi sa labi, baka ka langgamin," sabi ko habang pinupunasan ang labi niya.


Ang swerte naman ng panyo ko! Dumampi sa labi ni Migs!


"Thanks, umuwi na tayo, baka gabihin pa tayo sa daan," seryosong sabi ni Migs.


Yun nga gusto ko eh!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon