Chapter 4 - Part Two

15.2K 345 15
                                    

Pagtayo ko sa upuan, I slowly closed my eyes na parang kunwari ay nahihilo. Hinawakan ko ang ulo ko para mas effective ang acting.

"Migs... I feel... dizzy..." maarte kong sabi na parang bubuwal anytime.

I want to thank the MMFF committee in advance for winning the best actress award.

"Senyorita, ok ka lang ba?"

"Don't mind me... Medyo nahihilo lang..." maarte kong sabi pero I pretended na parang magcocollapse. As expected andoon si Migs para saluhin ko.

Huli ka balbon! Bwahaha!

Inalalayan ako ni Migs para umupo ulit. Yung isang kamay niya nasa bewang ko pa rin. Worried siguro siya na bumagsak ako sa lupa.

"Senyorita, baka ma heat stroke ka?"

"I can't breathe Migs, I think I need a CPR..." sabay nguso sa kanya as if ready for the mouth to mouth resuscitation.

"Senyorita, hindi ka naman nalunod, bakit need mo ng CPR?"

"Nahihilo talaga ko, parang umiikot ang mundo ko sayo..." sabi ko sabay lagay ko ng ulo ko sa shoulders niya. I can feel his strong muscular arms and shoulders. Gusto kong sumandal sa kanya forever.

At bakit ambango niya kahit madaming pawis?

His scent is driving me crazy. His smell is intoxicating. Parang isang nakakalasing na alak na lasang Milo.

"Dadalin na kita sa loob ng mansion, baka need mo ng medical attention," seryosong sabi ni Migs na inaalalayan ako tumayo.

"Nahihilo nga ako eh, dito muna tayo. Saka bakit biglang ang lamig? Nilalamig ako Migs, kailangan ko ng body heat," sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Malamig? Tirik na tirik ang araw eh."

"Nilalamig nga ako. Hindi ka ba naawa sa akin Migs? Hindi ka ba man lang concern sa well being ko?" sabi ko na nakayakap pa din kay Migs.

"Dadalhin na kita sa loob Vienna. Kaya mo ba maglakad or bubuhatin kita?"

Tinawag na niya ako sa first name ko. It means, naiinis na talaga siya sa akin. Obvious ang pagkadesparate ko.

"I can't move my legs, Migs. Please carry me..."

He just sighed as if iniipon ang pasensya.

A cunning smile appeared on my lips nang binuhat ako ni Migs. Yung kamay niya nakadampi sa aking super smooth thighs. Naglotion talaga ako para sa moment na ito/

Mahigpit ako kumapit sa kanya and I made sure that my chest is pressed against his.

Pagkakita ko kay Sierra sa veranda, I just smiled at her as if saying - I won bitch!


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now