Chapter 24 - Operator

13.3K 306 23
                                    

Kontra bida na naman ako sa loveteam ni Migs at Alice. Malamang pagkaalis ko, ipapaliwanag ni Migs na hindi totoong fiancee niya ko. Magiging masaya na si Migs dahil finally, sinagot na siya ni Alice. Ilan taon din siya naghintay sa kanyang hard to get girlfriend.

Psssh! Akala ko pa naman mapwepwersa ko na si Migs na maging sa akin...

I found myself sa loob ng isa sa mga pick-up trucks ni Lolo Franco papunta sa ancestral house ni Lolo Demmy. Gusto ko mapag-isa dahil heartbroken na naman ako.

Talon na lang kaya ako sa bangin? Tapos multuhin ko si Migs pag namatay na ko?

Psssh! Sabi nga ni Sierra, spell desperate.

Buti pa ang kakambal ko, mukhang nag reconcile na silang mag-asawa. Buti pa siya may love life at sex life, samantalang ako, pathetic life lang.

Ang ganda ko naman, bakit di ako humanap ng ibang lalake? Bakit kay Migs lang umiikot ang mundo ko? Sun ba siya?

Haist ang tanga tanga ko talaga!

Minahal ko pa si Migs ng napakatagal na panahon. Umasa na mamahalin din niya ko someday pero sa kangkungan din pala ako dadamputin. I am such a sore loser.

♫♫♫ Bababa-baba-nana. Bababa-baba-nana. Banana-ah-ah. Potato-na-ah-ah♫♫♫

Sino ba tumatawag sa akin? Nagdradrama nga ako sa sasakyan? Istorbo!

Wait, si Migs ang tumatawag? Bakit ako tinatawagan?

Iinvite na ba niya ko agad sa kasal nila ni Alice?

Pero di ko sinagot ang phone. Hinayaan ko lang mag ring ng mga seventy two times. Wala ako pakialam kahit mag lowbat ako.

Why? Dahil maarte ako?

Grabe kayo, maarte agad? Hindi ba pwedeng sinusunod ko lang ang Republic Act 10913 or the Anti-Distracted Driving Act?

O ayan, may natutunan kayo bukod sa landi at harot!

Pero sa pangatlong tawag ni Migs, sinagot ko na yung phone. Baka kasi emergency din. Saka gusto ko din malaman kung anong sasabihin niya.

"The subscriber cannot be reached, please try your call later," sagot ko sa isang mala robotic na boses gamit ang Bluetooth headset.

"Vienna, it's me Migs."

"The number you dialed is not yet in service."

"Vienna, umalis ka daw sabi ni Hector. Dala mo daw lahat ng luggage mo. Nasaan ka?"

"For prepaid and postpaid accounts, please press 1. For credit card activation, please press 2. For technical support, please press 3. To speak with the operator, press 0 at any time."

"Hindi ka ba titigil?" inis na sabi ni Migs sa kabilang linya.

Galit ka? Galit ka? Ako nga dapat magalit eh! TSk!

"Yes, Migs. Ano mapaglilingkod ko sayo?" inis ko din sagot sa kanya.

"Ang tanong ko, nasaan ka Vienna?"

"Pupunta lang ako sa ancestral house ni Lolo Demmy."

"What time are you going home?"

"Baka hindi na ako umuwi diyan. Dito muna ako mag stay."

"Vienna..."

"Mukhang willing naman maging personal nurse mo si Alice and Wonderland. Eh di magpakasaya kayong dalawa."

"I thought you will take care of me until I am fully recovered?"

"Migs, your wounds are already healing. Saka malaki ka na, kaya mo na sarili mo. Kung gusto mo magpatimpla ng dede, kay Alice ka humingi."

"Iiwan mo ko?"

"Hindi mo na ko kailangan kaya babalik na din ako sa Manila. Dala ko na ang gamit ko so, see you when I see you na lang."

Pero imbes na sumagot, binabaan lang ako ng phone ni Migs.

Tignan mo tong gagong to, binabaan ako ng phone!


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now