Chapter 2 - Introduction

23.2K 459 40
                                    

Kung di niyo pa nababasa ang The Heiress and The Probinsyano, then let me give you a brief background about my family.

Lumaki ako sa isang island province kung saan nag-originate ang mga lolo ko. Walang name kasi fictional province island lang naman.


Si Don Demetrius Zamora or Lolo Demmy ang lolo ko sa motherside. Mayaman ang lolo as in ka-level ng combined yaman ni Lucio Tan at Henry Sy.


Wag ka na kumontra, fiction nga 'di ba?


Si Lolo Franco Torres naman ang lolo ko sa father side. Best friends ang Lolo Franco at Lolo Demmy dahil magkababata sila.


Kung ang Lolo Demmy ay may bonggang ancestral house malapit sa beach, ang Lolo Franco naman ay may mansion sa gitna ng bukid. May bahay kami sa Manila pero madalas kami dito sa bahay ni Lolo Franco tuwing bakasyon. Mas prefer ko dito mag stay sa gitna ng kabukiran kasi andito si...


"Busog ka na ba? Kanina mo pa tinitikman si Migs sa isip mo eh," sabi ni Sierra, my twin sister.


Madalas kasi kapag andito kami sa probinsya, palagi ko tinitignan si Migs. Daig ko pa ang isang lalakeng manyak at namboboso. Pinagsasamantalahan ko siya sa bawat sulyap ko sa kanya.


Dinadalan ko pa nga siya ng pagkain at pinagluluto ng masasarap na ulam. Bumuli na rin ako ng gayuma sa Quiapo at umorder na din ako ng love potions online, pero walang effect kay Migs.


"Tignan mo naman kasi sis, basang basa ng pawis si Migs sa pagtatanim ng palay pero fresh na fresh! Ang sarap kainin ng raw parang garden salad! Yummy!" sabi ko habang nakatanaw kay Migs sa veranda ng mansion ng Lolo Franco ko.


Masaya na ko na nakikita siya sa malayo. Mababaw lang ako kaya deal with it!


"Vienna, obvious naman na mas may chance pa ang mga palay kaysa sayo. Si Miguel, walang pakiramdam yan, halaman yan."


Isa nga bang halaman si Migs? Hindi capable ng sexual desires?


"Sierra, kakausapin ko mamaya si Migs. Magpapasama ko sa ancestral house ng Lolo Demmy," sabay ngiti na parang may evil plans.


Kulang na lang tubuan ako ng sungay, mukha na akong devil dahil sa maitim kong balak kay Migs.


"Anong binabalak mo, Vienna? Siguro hihilahin mo si Migs sa damuhan para pagsamantalahan noh? Hoy, walang tite yan si Migs! Pustahan tayo, kahit maghubad ka, di yan titigasan!"

"Hoy Sierra, you are so bastos! Kaya wala kang boyfriend eh! Basta mamaya boyfriend​ ko na si Migs."

"Libreng mangarap. Wag ka lang umasa masyado para di ka ma-disappoint."


Tama si Sierra. For more than twenty years, kaibigan lang ang tingin sa akin ni Migs. This time, kailangan ko na gumawa ng drastic measures. 


Kung kailangan na itali ko si Migs sa puno ng Sampalok, gagawin ko!


"Hulaan ko iniisip mo, kikidnapin mo si Migs noh? Tapos magpapanggap kang nabuntis ni Migs? Kita ko sa ngiti mo ang mga devious plans mo noh! Grabe ka Vienna, spell desperate?"

"Tsk! Wag mo ko pakialamanan. Ikaw pa rin naman ang bridesmaid ko sa kasal namin."

"Kailan ka ikakasal? Pag puti na ang uwak? Pag yellow na ang blue whale? Or pag green na ang pink flamingo?"

"Nerd ka talaga noh, watch and learn. Ihanda mo ang salbabida, Sierra.."

"Ha? Bakit?"


"Dahil malulunod si Migs sa pagmamahal ko!"

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon