Chapter 38 - Sick

14.1K 266 2
                                    

Nag stay ako sa bahay ng parents ko ng weekend at pagbalik ko sa penthouse, wala na dun si Migs.

Malamang kasama yung fiancee niyang mukhang chararat!

Hinintay ko siya buong gabi pero alam ko naman na di na din siya babalik.

Nag goodbye sex na nga di ba?

Pero the next day, hindi ko inaasahan na dadating si Migs sa penthouse ng maaga. Naka uniform na siya at mukhang ready na pumasok sa office. Siya pa rin nga pala ang bodyguard ko at personal driver ko.


Isang matahimik na byahe ang nangyari. Hindi ko magawang kausapin si Migs dahil di ko din alam ang sasabihin sa kanya. Lumipas ang araw at para kaming strangers tuwing papasok sa office at pag uwian.

Kahit di kami nag-uusap, somehow masaya na ko sa ganito. Pero the moment na ikasal na siya kay Alice, sigurado ako na hindi ko na kakayanin ang mga pangyayari.


"Magpapalipat ka daw sa Seattle?" tanong ni Elijah na biglang pumasok sa office ko.

"Bakit bawal?"

"Andoon na si Lolo Demmy, sino maghahandle ng business dito?"

"Di ko na problema yun. Ikaw ang CEO at chairman ng board, problema mo na yan."

"Isasama mo ba si Migs sa Seattle?" natatawang tanong ni Elijah sabay upo sa sofa.

"Isa ka pa eh. Magpapalipat nga ako dun para di ako maka attend ng kasal niya."

"At feeling mo, invited ka? Ayaw ka makita ni Alice sa kasal niya. Wag ka umasa na invited ka."

"Paki sabi nga ulit kung bakit andito ka? Di ba dapat nasa New York ka? Pakialamerong frog!"

"I will reject your job transfer request and that is final," sabi niya in a serious tone.


Pag ganito ka seryoso ang mukha ni Elijah, alam ko na hindi talaga niya ko papayagan sa gusto mo.


"My dear brother, I know that you would say that kaya nagpaalam na lang ako kay lolo ng indefinite leave," sabay bigay ng printed copy ng request ko.

"You are requesting for an indefinite leave due to health issues?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Yeah, I am sick and..."

"And broken hearted?"

"Excuse me lang ha? Naka move on na ko kay Migs. Wag mo ko igaya sayo na in denial sa feelings mo sa bestfriend mo."

"Vienna, kaibigan ko lang si Kim. I love her as a friend and as my little sister. Wala akong hidden feelings para sa kanya."

"I believe you, Elijah. Whatever you say, I will believe you because you are my brother. My gorgeous and kind hearted brother. Will you approve my request please?"

"Hanap ka muna ng love doctor at hingi ka ng medical certificate for your leave request."

"Tsk! Hindi mo talaga pagbibigyan yung request ko? Wala ka bang puso Elijah?"

"Unfortunately, naiwan ko sa New York ang puso ko, kaya sorry ka na lang. Bye Vienna!" natatawang sabi ni Elijah bago lumabas ng office.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now