Chapter 27 - Miguelito

13.8K 284 3
                                    

Days passed at nakauwi din kami sa Manila after makakuha ng Fit To Work certificate si Migs sa kanyang doctor. Siya na mismo ang naging helicopter pilot namin.

"Saan kita ihahatid?" tanong ni Migs nang makarating kami sa office ni Elijah kung saan niya iniwan ang chopper.

"Sa bahay ko. Di ba boyfriend na kita? Dapat sa akin ka na matutulog."

"Seriously Vienna? Ano na lang sasabihin ng Kuya Luke sa akin pag magkasama tayo sa kwarto? Di ba usapan natin secret lang tong kalokohan mo?"

"I'm referring to my house, hindi yung family house. Yung penthouse ng isa sa mga hotel ni lolo, bahay ka yun."

"So you want me to move in? Parang live-in partners?"

"Ayaw mo ba? Di ba nag rerent ka lang naman ng apartment? Why don't you stay in my house moving forward? Di ba you have plans on banging me?"

"And you think no one will notice us kapag doon na ako natutulog sa penthouse mo?"

"Driver at personal body guard kita. With the recent attempt sa akin, it is normal that you will be protecting me at all times."


Pagdating namin sa bahay ko, sinalubong ako ng white Samoyed dog ko. Surprisingly, nice din siya kay Migs kasi madalas, suplado sa stranger ang dog ko.


"Hi baby. I missed you so much!" sabi ko sa aso sabay yakap sa fluffy creature.

"Aso mo to? Sino kasama nung wala ka dito sa bahay?"

"Si Nanay Charito ang kasama ko dito pero pinagbakasyon ko siya ng bongga sa Hongkong kasama mga anak niya. So solo natin ang bahay ng matagal."

"Prepared ka talaga. Anong name nito?" natatawa na sabi ni Migs dahil biglang sumampa sa kanya ang aso as if gustong gusto siya.

"Uhmmm.. Miguelito."

"What the... Are you serious?"

"Oo nga. Miguelito name niyan. Come here Miggy, gutom na ba baby ko?" sabi ko sa aso sabay bigay ng dog food.

"Ang daming pwedeng ipangalan sa aso, Miguelito pa?"

"At least si Miggy dogie mahal ako. Anong nga pala gusto mong ulam? Alam ko pagod ka," change topic ko kay Migs. Medyo di ko pa rin alam ang gagawin ko ngayon na andito siya.

"Kahit ano, surprise me. Saan ako pwede matulog?"

"Ano ba yan Migs! Malamang sa kwarto ko! Mag boyfriend tapos magkahiwalay ng room? Anebeyen!"

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now