Chapter 42 - Arboretum

14.6K 261 4
                                    

Pagdating ko sa Washington Park Arboretum, naka received ako ng text message kay Lolo Demmy na sa Azalea Way daw kami magkikita ng blind date ko. Isang part ng park kung saan madami colorful azalea flowers at highlight mismo ng park.

Mahaba haba na din ang nalalakad ko nang may makita ko na isang matangkad na lalaki na maputi. Mukhang businessman. Eto na siguro ang ka blind date ko.

Ngumiti ang lalaki habang naglalakad palapit sa akin, pero nilagpasan niya lang ako.

Tatawagin ko sana si pogi pero mukhang iba ang ka date niya, isang gwapong lalake din. Naglakad sila palayo sa akin habang magkahawak ang kamay.


Tsk! Buti pa sila may love life!


For almost twenty minutes, lakad lang ako ng lakad pero wala akong nakakasalubong na tao. Kung hindi maganda ang view dito baka iniwan ko na yung ka blind date ko.

Napaka haba ang mismong Azalea Way. Kanina pa ko naglalakad. For sure, eto na ang first and last date namin ng ka blind date ko.


Kapal ng face! Pinaghintay ako!


Umupo ako sa isang bench katabi ng mga flowering trees. Ang ganda ng lugar, soothing and calming, parang Johnson's Baby Bedtime Bath. Sana andito si Migs...


Di ba kapag nasa maganda ka na lugar, gusto mo kasama din ang pinaka mamahal mo?


Erase... Delete... Remove.... Cancel...


Hindi ko na dapat isipin si Migs dahil iba na ang nagmamay-ari sa puso niya. Sabi nga ni Jessa Zaragoza - Ikakasal ka na. Iiwan na akong nag-iisa.

Haist! Naalala ko na naman si Alice.

Parang gusto ko talaga pumunta sa kasal nila ni Migs at sakalin siya ng wedding lazo cord. Tapos babalutin ko yung chopsuey niyang mukha ng wedding veil hanggang di na siya makahinga.

Napatigil ako sa mga karumaldumal na bagay na pwede ko gawin kay Alice nang makita ko ang isang lalake na papalapit sa akin. He is wearing a black long sleeves, mukhang businessman din. May dala siyang isang long-stemmed yellow rose. 

At since walang ibang tao dito, sigurado ako na eto na ang ka blind date ko. Lumapit ang lalaki sa akin at nakangiti na binigay ang bulaklak.


Pinaghintay mo ko ng matagal, feeling mo nadadaan ako sa rose?


"You must be my..."

Pero di ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumalikod ang lalaki at iniwan ako na nag-iisa sa bench.


What the fuck? Naturn off ba siya agad sa akin? Bad breath ba ko?


Pero bago pa ko makapag-isip, may natanaw ako na ilang mga lalaki sa di kalayuan. Lahat sila naka fitted black long sleeves at slacks, parang businessman attire. Lahat sila may hawak na yellow rose at isa isa nilang binigay sa akin ang bulaklak.


Masyado naman ata romantic ang ka blind date ko. First date pa lang namin ah?


Ang huling lalaki naman ay naka business attire din pero white ang kanyang longsleeves. Nakasuot pa siya ng mask ng Jabbawockeez at binigyan ako ng white long stemmed rose instead of yellow.


Eto ba ang ka blind date ko? Masyadong bongga, gusto unforgettable ang first impression ko sa kanya.


Nasa harapan ko ang pitong lalake at nakatayo lang sila may grass as if naghihintay ng pasko. Akala ko tapos na ang surprise ko, pero biglang may tumugtog ang isang background song out of nowhere.


♫♫♫ You're all I ever wanted. You're all I ever needed, yeah. So tell me what to do now. Cause I want you back... ♫♫♫


Ang mga lalaking naka semi formal wear ay biglang sumayaw sa harap ko ng isang mala boyband na dance number at background song ang I Want You Back ng NSYNC.

Natapos ang dance performance at umalis ang mga dancers. Naiwan ang lalaking may mask at papalapit sa akin. Kanina ko pa siya pinagmamasdan and he looks really familiar. 

Lahat ng tanong ko sa isip ay nawala nang tinanggal niya ang mask niya...


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon