Chapter 43 - Twenty Years

16.2K 291 19
                                    

Lahat ng tanong ko sa isip ay nawala nang tinanggal niya ang mask niya... 


"Migs?" tanong ko sa kanya sabay upo niya sa tabi ko.

"Hi, Vienna," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Marunong ka pa lang sumayaw Migs," kinikilig kong sabi.


Ngayon ko lang siya nakita na naka formal attire. Naka brush up pa yung hair niya na parang isang CEO. Hindi ko man aminin, na excite ako na andito si Migs sa mga oras na ito.


Teka, ikakasal na nga di ba? Bakit kinikilig pa ako? Saka bakit andito sa Seattle si Migs?


"I mean, anong ginagawa mo dito? Bakit may dance number ka pa na nalalaman?" tanong sabay bawi ng tingin.


Ayoko siya tignan, he looks so yummy sa kanyang outfit.


"I want you back, Vienna..." mahina niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

"Tsk! You want me back? Bakit hindi ba tuloy ang kasal mo?"

"Tuloy naman..."

"Migs, pinagloloko mo ba talaga ko..."


Tuloy naman pala ang kasal nila ni Alice, pero may I Want You Back pa na nalalaman! Kaloka ang lalaking ito!


"Vienna, please listen to me. Ikaw ang gusto ko pakasalan, hindi si Alice. Pupunta ba ko dito kung iba papakasalan ko?"

"Pero sabi ni Alice fiancee mo siya? Alam din niya na binayaran kita bilang boyfriend ko at gagamitin niyo daw yun sa kasal. Wag mo na ko lokohin Migs. Andito nga ko para mag move-on sayo."

"So hindi mo ko papakasalan? Kahit nagpaalam na ko kay Kuya Luke at Mam Chloe? Kahit humingi na ko ng blessing kay Sir Demetrius at kay Tatay Franco? Kahit nagpakihirap si Sierra na magprepare ng dance number ko?"

"Wwhat? Anong pinagsasabi mo?"

"After ko mabaril noon, I realized how much I love you. Kinausap ko na ang parents mo at ang mga lolo mo. I already ask for their blessings bago muna kita yayain magpakasal. Alam na nila na sooner or later, I will propose to you. That is also the reason why I agreed to be your boyfriend."

"Weh? Totoo Migs?"

"Bago ka mag indefinite leave, kinausap ko na yung mga kapatid mo na susundan kita dito. They also know that I am planning to marry you."

"Alam nila na ako ang papakasalan mo at hindi si Alice?"

"Yes, pero I also told them na assuming ka at akala mo ikakasal ako sa iba."

"Paano si Alice? She told me to let you go. Siya daw ang mahal mo hindi ako... Magpapakasal na daw kayo..."

"At naniwala ka naman?"


Tumango lang ako kasi hindi ko hinayaan si Migs na magpaliwanag noon. Hinawakan ni Migs ang mga kamay ko at dinala sa labi niya.


"It was Alice who texted me nung nasa restaurant tayo. She told me that she's in danger, naholdap sa Manila. She asked me not to tell you anything dahil ayaw niyang magselos ka. I am sorry kung hinayaan kita mag-isip ng kung ano ano."

"Sabi niya kasi ginagamit mo lang daw ako sa pera para sa kasal niyong dalawa."

"She must be desperate. Noong huli kami nag-usap sa probinsya, I already told her that I will marry you. Alice is a friend, I thought she will understand me and yet she betrayed me. Vienna, I don't need your fucking wealth. Anak mahirap man ako, may dignidad naman ako. Mas pipiliin ko magbanat ng buto at magkapera gamit ang sarili kong pawis kaysa umasa sa yaman mo."

"Sabi mo gusto mo ko pakasalan. Totoo ba talaga yun?"

"Yes, I want to marry you Vienna pero hindi pumayag ang Lolo Demmy at Tatay Franco."


Hindi pumayag? Pag-uuntugin ko ang dalawang matandang yun eh!


"Wwhat! Bakit hindi sila papayag? Itanan mo na lang ako Migs, as in now na! Please?"

"Sukob daw kayo ni Sierra, next year na lang daw. That is few months from now, kung makakapaghintay ka?"

"Nakapaghintay nga ako ng mahigit twenty years sayo Migs eh."

"Ibig sabihin mahal mo na ko since bata pa lang tayo?"

"Manhid ka ba? Mahal na mahal kita Migs. Noon at hanggang ngayon. Bata pa lang tayo nilalandi na kita. Di mo lang ako pinapansin, but I have always love you."

"Mahal na kita noon Vienna, pero alam ko langit at lupa ang pagitan natin kaya minabuti ko humanap ng babaeng kaya ko abutin. Akala ko kaya ko mahalin si Alice. I was wrong, my heart and my soul only belongs to you. I love you Vienna. I promise to love you even after twenty years, even after forever."


Ngumiti lang ako kay Migs at niyakap siya. Akala ko, ako ang may pinaka pathetic na love life sa amin na magkakapatid. Ako pala ang na ang pinaka masayang babae sa buong mundo dahil mahal din pala ako ni Migs.


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now