Chapter 20 - Arabella

14.7K 290 13
                                    

After just a few minute drive, nakarating kami sa isang abandonadong factory. I can still see the faint light of the expressway, it means malapit lang kami.

Sa loob ng factory, may isang lumang office na natatakpan ng Venetian blinds. Doon kami pinapasok at pinaupo kami pareho sa upuan. Tinali ang aming mga kamay sa swivel chair.

As if naman makakatakas kami eh may nga baril sila? Heller?

Lumabas ang mga armadong lalake sa room at biglang pumasok ang isang babaeng matangkad. She is quite old pero she still looks pretty.

"You must be Vienna, the socialite daughter of Chloe?" tanong niya sa akin.

"Anong kailangan mo sa amin?"

"Sayo meron, pero a kanya wala," sabay tutok ng silencer sa ulo ni Migs.

"No, no, no! Don't kill him. I will do anything! Please, no!" nakikiusap kong sabi sa kanya.

"I see... You care so much for your handsome driver..." sabi ng babae sabay sabunot sa buhok ni Migs. Si Migs naman ay balik sa kanyang poker face expression.

"Sino ka ba? Please pakawalan mo na kami. Gagawin ko kung ano gusto mo. Pera ba kailangan mo?"

"My name is Arabella and yes, pera ang kailangan ko."

"Arabella Zamora?"

"Wow, your mom must have told you a lot of good things about me. Sinabi ba niya sa iyo kung paano ko inagaw ang boyfriend niya dati sa kanya?"

I heard from mom that she has a stepmother named Janice and Lolo Demmy married her. Si Janice ay may isang anak sa pagkadalaga na si Arabella. Dahil sa pagtatangka ni Janice sa buhay ni mommy, inutusan ni Lolo Demmy at daddy ko na protektahan siya and the rest is history.

Andito ba siya para maghiganti? Kadugtong ba to ng The Heiress and The Probinsyano?

Grabe makapagpromote yung author ng stories niya, walang pinipiling lugar.

Action nga di ba? May promotion na nagaganap?

"Magkano gusto mo Arabella?"

"Twenty billion US dollars."

"Har har har. Walang ganun pera ang mommy ko. Ano ko anak ni Bill Gates?"

"Masyado kang humble Vienna, barya lang yan kay daddy at sa kapatid mo na si Elijah. Speaking of Elijah, nakakainis yang kapatid mo na yan, masyadong mahigpit ang security. Si Matthew naman ay mahirap hagilapin sa probinsya and your sister Sierra, nasaan ba siya? Ilang buwan ko na siyang hindi mahanap at hindi ko makita."

"So you chose me because I am vulnerable?"

"That is right, my dear. Driver lang palagi ang kasama mo kaya madali kita nahuli sa bitag."

"Ang labo mo din eh. May kidnap for ransom ka pa nalalaman, pero nagsasabi ka in advance. Bakit kailangan mo pa magsend ng anonymous death threats kay lolo?"

"Para kabahan siya sa mga gagawin ko."

"Naku, kahit painumin mo ng sampung Kopiko 78 yun, hindi kinakabahan ang Lolo Demmy. You should know him by now, step father mo siya."

"I know him Vienna. Alam na alam ko na mahal na mahal niya ang apo niya kay Chloe."

"Naku, isa ka pa. Hindi ka updated. Ang lolo sobrang strict sa amin. Pinagtatanim kami ng palay nung mga bata pa kami. Yung kakambal ko kaya di mo mahanap, hayun namamasukan bilang katulong. Hindi ka bibigyan ni lolo ng pera."

"Then, let me call your mom to discuss the funds transfer. Ayoko kitang kausap, ang dami mo sinasabi," sabay alis ni Arabella sa office room.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now