Chapter 33 - Spaghetti

13.8K 270 3
                                    

Pagbaba ko sa parking lot, andoon na si Migs na naghihintay sa akin. Kapag nasa office kami, wala kami masyado kibuan sa isa't isa.


"Dumating pala si Sierra. Nagkita ba kayo?" tanong ni Migs sa akin pagpasok ko sa kotse.

"Oo, dumaan siya sa office kanina. Chubby na nga siya ngayon. Gusto mo ba kumain sa labas? Friday night naman ngayon at wala tayo pasok bukas."

"Sure, basta ako manlilibre sayo," nakangiting sagot ni Migs.


Ever since na tinanggap ni Migs ang proposal ko, he treated me like a real girlfriend. Dumaan kami sa isang Italian restaurant for our dinner. Masaya kaming kumakain ni Migs at sana hindi na matapos yung gantong setup between us, pero biglang may nagtext sa kanya. Nagbago ang reaction niya na parang may problema.


"Are you okay? May problema ba Migs?"

"Ha? Wala naman. Please excuse me, may pupuntahan lang ako. Babalik ako agad, hintayin mo ako."


Bago pa ko makasagot, umalis na si Migs na nagmamadali.

Sino ba ang katext niya? Eto na ba yung tinatawag nila third party or kabetchi?

Nagsimula akong kumain pero wala pang isang minuto, biglang may babaeng umupo sa katapat kong chair. Ang name niya katunog ng galis at mais.

Itago natin siya sa code name na....


"Alice? What are you doing here? Wala si Migs dito," inis kong sabi sa kanya.

"I know. I just texted him to meet me. Alam mo naman siguro na ako talaga ang mahal ni Miguel kaya nagmamadali siya na puntahan ako."

"Kami na ni Migs, so pwede wag ka na makisawsaw sa love story namin? Gusto mo ba papasukin ko yung spaghetti noodle sa ilong mo at palabasin ko sa tenga mo?"

"Vienna, alam ko na hindi kayo ni Migs. Alam ko na nagstay lang naman siya sa company niyo dahil kailangan niya ng pera para sa kasal namin."

"Kasal? Anong pinagsasabi mo? Hindi naman kayo ah?"


Pigilian niyo ko. Pigilan niyo ko. My knife sa table, baka mahiwa ko leeg nitong babaeng to!


"Di ba andoon ka nung sinabi ko kay Migs na sinasagot ko na siya? He explained to me na hindi ka niya fiancee. Wag kang ambisyosa, Vienna."


Di ko na napigilan ang sarili ko at binuhos ko ang tubig na nasa baso sa mukha ni Alice. Di pa ko nakontento at pinasak ko ang Panini bread sa bibig ni Alice hanggang mabarahan ang kanyang ngala ngala.

Charot lang! Pero konti na lang at gagawin ko na talaga!


"Vienna, alam ko mahal mo si Migs, but let him go. Ako ang mahal niya. Ginagamit ka lang niya para sa pera. Gusto niya lang maka-ipon para sa kasal namin. Sana naman tigilan mo na ang fiancee ko, Vienna," sabi ni Alice sabay labas ng restaurant.


Sinabi ba ni Migs kay Alice na nagpapanggap lang siya na boyfriend ko? Sinabi ba niya na nag offer ako ng malaking halaga para maging boyfriend ko lang siya?

Well, totoo naman, pero bakit ang sakit sakit? I feel so betrayed...


Binigay ko lahat kay Migs pero nag-agree lang pala siya para makaipon ng pang kasal nila ni Alice?

What the fuck author? Nakakainis ka!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon