Chapter 23 - Wheelchair

14K 276 10
                                    

Nag stay ako ng ilang linngo sa probinsya. Para akong isang caregiver na nag-aalaga kay Migs. Kulang na lang paliguan ko si Migs, pero kahit inooffer ko na paliguan siya, ayaw naman niya na pumayag.

"Gusto mo ba pumunta sa beach? Doon sa ancestral house ng Lolo Demmy?" tanong ko kay Migs habang tinutulak ko ang wheelchair niya.

Magaling na ang gunshot wounds niya pero may konti pang fracture ang binti niya dahil sa car crash. Kahit nakakalakad na siya, palagi ko iniinsist na mag wheel chair siya para di mapwersa ang legs niya.

"Alam ko gagawin mo Vienna. Ihuhulog mo ko sa may cliff beach kapag hindi ako pumayag maging boyfriend mo."

"You are getting smarter Migs. Alam mo na ang mga plano ko. Pero seriously, mahangin doon. Ako magdridrive at umuwi na lang tayo mamayang hapon."

"You're my boss, how can I even decline that?"

"Tsk! Hindi ka pa nga pumapayag sa offer ko na maging asawa ko eh!"

Natawa lang si Migs sa sinabi ko, akala ko sasagot siya pera naputol ang moment namin nang may sumigaw ng pangalan niya.

"Miguel!"

Parang slow motion, kitang kita ko si Alice na tumatakbo papunta kay Miguel. Gusto ko magsummon ng earth spike spell para matalisod siya at madapa pero hindi naman ako witch or wizard. Sana may dumating na meteor at bagsakan si Alice.

"Miguel, hindi ko alam na napahamak ka! Ngayon ko lang nalaman na na aksidente ka pala..." nag-aalalang sabi ni Alice sabay yakap kay Miguel.

"Hey, Alice. I am okay now."

"Delikado yung trabaho mo Migs. Agaw buhay ka habang pinoprotektahan ang mga tao na di mo naman kadugo."

"I am fine, Alice. Saka gusto ko ang trabaho ko."

"Dito ka na lang sa probinsya Migs. Wag ka na umalis. Let us build our family here," sabi ni Alice sabay hawak sa kamay ni Migs at nakaluhod sa harap niya.

"What do you mean?"

"Sinasagot na kita. Payag na akong maging girlfriend mo. Basta mag resign ka lang sa trabaho mo at dito ka na sa probinsya mag stay."

What? Anong sinasagot niya na si Migs? Anong kalokohan to?

Gusto ko itulak si Migs at ihampas kay Alice ang wheelchair dahil sa sinabi niya, pero masyadong barbaric yun.

"Alice, I can't... May contract ako kay Don Demetrius and besides, parang pamilya na ang turing ko sa Torres."

Yung mukha ni Alice, from angelic parang nagturn into demonyita. Kulang na lang umusok ang ilong niya at mukha na siyang Chinese dragon sa Binondo. Bigla siyang tumingin sa akin na parang gusto kong hamunin ng sapakan.

"Hi Vienna. Andyan ka pala? Ikaw pala nag-aalaga sa boyfriend ko. Well, ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit siya nabaril."

"You are actually right Alice. It was my fault," malungkot kong sabi na parang nagpapaawa effect.

"Buti alam mo. Napahamak si Miguel dahil sa isang katulad mo."

"Alice, sinalo kasi ni Migs ang bala na dapat tatama sa akin. How can I blame him if he is just protecting his fiancee?"

"Fiancee? Migs is your fiancee?"

Ngayon kitang kita ko na ang demonic aura na lumalabas sa kanya na parang isang evil villain sa Disney channel.

"Huli ka na talaga sa balita Alice. Niyaya na ako ni Migs na magpakasal and of course, I said yes to him. So for your information, hindi pa nagiging kayo, break na kayo."

"Migs, is that true? Totoo ba na niyaya mo siya maging kabiyak mo?" naiiyak na tanong ni Alice kay Migs.

Tsk! Pabebe ampotah!

Bigyan niyo ko ng palakol at sisibakin ko sa gitna itong babaeng to!

"Iiwan ko muna kayong dalawa para pag-usapan ang inyong near and dark future. Migs, marunong ka naman siguro gumamit ng wheelchair paakyat ng second floor noh?" naiinis kong sabi sa kanila sabay alis.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz