Chapter 35 - Text

13.6K 272 4
                                    

Hindi muna ko umuwi sa penthouse kasi malamang kukunin ni Migs ang mga gamit niya doon. Tumuloy muna ako dito sa mansion ng mommy at daddy.


"Hoy Vienna, nareceived mo text ko?" tanong ni Sierra pagpasok ko sa bahay. Nanunuod siya ng TV kasama si Blackness, ang Rottweiler nila ng asawa niya.

"Anong text?"

"Haist. Sabi ko, hiramin ko muna si Miggy."

"Sayong sayo na. Ayoko na makita ang hilatsa ng pagmumukha niya."

"Vienna, I'm referring to Miguelito, your Samoyed dog. Hindi si Migs na fuck buddy mo. Come here, alam ko may problema ka," sabay tapik ni Sierra sa sofa.


Dun ko lang narealize na andito din pala si Miguelito. Tumakbo papunta sa akin nang makita ako.


"Dito muna kami ni Miguelito," mahina kong sabi sa kakambal ko habang hinahaplos ang ulo aso ko.

"Anong nangyari? Umalis ang mommy at daddy, pwede ka umatungol ng iyak."


Sinabi ko kay Sierra ang lahat ng nangyari including yung offer ko kay Migs na maging boyfriend ko at yung pagbisita ni Alice sa restaurant.


"Alam ko na si Migs lang ang lalaking minahal mo at kahit di mo sabihin, alam ko naisuko mo na ang Corregidor sa kanya. Kung may mahal siyang iba, let him go or..."

"Or ano?"

"Eh di agawin mo. Panggap kang buntis para makasal kayo. Kaso ikaw lang ang masasaktan dahil alam ko na mahal mo talaga siya."

"Wala na ata akong mamahalin pa. Si Migs lang ata," naiiyak kong sagot sa kanya.

"Magtiwala ka lang sa author ng buhay mo dahil di gumagawa ng sad ending yan."

"Mukhang happy ending ni Alice at Migs ang mangyayari. Kung pwede ko lang suhulan yung author ng malaking halaga para magkaroon ako ng lovelife, ginawa ko na."


Pero bago pa makasagot si Sierra, biglang kumahol si Blackness at tumakbo naman si Miguelito sa pinto para salubungin si...


"Migs? Bakit ka nandito?" taas kilay kong tanong sa kanya.


Hindi kumibo si Migs at nakatingin lang sa akin. He looks sad. Magpapaalam na ba siya sa akin?


"Uhmm wait lang ah? Aakyat muna ko sa kwarto. Maiwan ko muna kayo," sabi ni Sierra sabay tawag kay Blackness at Miguelito. Si Migs naman ay umupo sa sofa, katabi ko.

"Vienna, di ba dapat nag-uusap tayo?"

"Wala tayo dapat pag-usapan Migs."

"Madami tayo na dapat pag-usapan."

"Oh yeah. Nakalimutan ko. Kulang pa pala yung bayad ko sayo. Nanininingil ka ba? Kung kailangan mo na ng buo na bayad, pwede ko na transfer ngayon sa account mo. Dadagdagan ko pa para advance wedding gift ko sa inyo ni Alice," sabay tayo ko at akyat ng second floor.


Pero di ko na naisara ang pinto dahil nakaharang na agad ang kamay ni Migs.


"Vienna..."

"Gusto mo ba ng goodbye sex bago ka ikasal kay Alice?"


Pero di sumagot si Migs at tumango lang siya. Pumasok siya sa kwarto ko at sinara ang pinto.


Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon