Chapter 5 - Cramps

15.3K 319 25
                                    

Pinasok...

Pinasok ako ni Migs sa loob ng mansion. Yun!

Grabe yung iba mag-isip, sinabi ko lang na Pinasok, adult scenes agad ang gusto. Bed time story po kaya ito for children!

Sa living room ako dinala ni Migs pero si Sierra ay wala ata balak bumaba from second floor.

Buti naman dahil istorbo siya sa amin ni Migs. May sarili naman siyang love story kaya wag na siya umeksena pa.

"Tatawagan ko muna ang Kuya Matthew mo. Kung nahihilo ka pa, dadalin ka namin sa hospital," sabi ni Migs sabay labas cellphone niya.

"Wag na. Ok na ko," mabilis kong sabi para pigilan ang tawag niya.

Aware ang Kuya Matthew ko sa pag nanasa ko kay Migs kaya alam niya agad na nag iinarte lang ako.

"Vienna, andyan naman si Sierra, iwan na muna kita."

"Wait Migs. Sumasakit yung binti ko at paa ko, pinupulikat ata ako. Alam ko first aid daw sa cramps ay massage."

Kitang kita ko na naman ang inis sa magandang mukha ni Migs dahil sa sinabi ko. Since naka mini skirt ako, wala siyang choice kundi imassage ang magaganda kong binti. Siguro kung hindi malaki utang na loob niya sa pamilya ko, sinakal na niya ko sa mga oras na ito.

"Migs, kamusta naman ang studies mo? Di ba scholar ka ng Lolo Franco. Saan mo balak magtrabaho after mo grumaduate?" tanong ko kay Migs habang napipilitan siya magmassage ng ankles ko.

"Kinausap ko na si Tatay Franco, sabi ko hindi ako magtratrabaho sa iba. He referred sa company ng Lolo Demetrius mo bilang chopper operator, driver at personal body guard. Maganda naman ng compensation package and at the same time, makakatulong ako sa pamilya niyo."

"Di mo naman kailangan pagsilbihan ang pamilya ko. Mahalin mo lang ako, masaya na ko."

"What?" taas kilay na naman niyang tanong sa akin.

"I mean, ipakita mo lang ang concern at pagmamahal mo sa pamilya ko, enough na yun. Hindi mo naman kailangan magtrabaho sa amin."

"Gusto ko talaga sa inyo magtrabaho. Kahit driver lang, masaya na ko lalo na sa company ng Lolo Demmy mo."

"Interested ang lolo sa isang airline company, so malamang he is training you para maging magmanage nun someday. Di ba aeronautical engineering course mo? Malamang gagawin ka muna niya driver or assistant and he will promote you someday. Alam ko tumatakbo sa utak ng matandang yun."

Kapag driver na ni Lolo Demmy si Migs, madalas kami magkikita dahil pagkagraduate ko, sa company ni Lolo Demmy ako magwowork.

Silay pa more! Landi pa more!

Wag kang kumontra, di ba gusto mo din naman ang mga nakaw na silay sa crush mo?

"Vienna, anong nangyari sayo?" tanong ni Kuya Matthew sa akin na biglang lumitaw out of nowhere. Ang dami naman pagkakataon na pwede siya lumitaw, ngayon pa.

"I'm okay. Nagka cramps lang."

"At si Miguel talaga ang inutusan mo para mag massage sayo?"

"Bigla ako pinulikat eh. Thanks Migs, I think I am okay now," sabi ko kay Migs pero inirapan ko si Kuya Matthew.

Panira ng trip tong si Kuya Matthew ko eh. Pssssh! Nag eenjoy pa ko sa haplos ni Migs sa legs ko eh.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon