Chapter 22 - Breakfast

14.2K 315 1
                                    

I woke up a few days later sa hospital. I found out from dad na nadakip na si Arabella, but Migs is still in ICU. Maraming nawala na dugo sa kanya and it will take days bago pa siya magkaroon ng malay.

Nang magising si Migs, he requested na sa probinsya muna magpahinga after niya madischarged. I asked Lolo Demmy for an indefinite leave of absence para alagaan si Migs at pinayagan naman niya ko.

"Migs... May dala ko breakfast para sayo..." sabi ko nang pumasok ako sa kwarto niya.

Dahil anak anakan na ang turing sa kanya ni Lolo Franco noon pa, may sarili siyang kwarto sa mansion. He is using my father's old bedroom.

"Vienna? Andito ka?"

"Ay wala ako dito Migs, apparition lang ako," natatawa kong sabi sabay baba ng breakfast tray sa tabi niya.

"Nagulat lang ako dahil hindi kita nakausap o nakita man lang simula nang nagising ako," sabi ni Migs na dahan dahan bumabangon sa kama. May benda pa ulo niya at ang stomach niya.

"Hindi talaga ko nagpakita sayo..." sabi ko sa kanya sabay subo ng sopas sa kanya.

"And why is that?"

"Para mamissed mo girlfriend mo..."

"Girlfriend?"

"Di may usapan tayo na girlfriend mo na ko after natin makaligtas? Sabi mo nga papakasalan mo ko di ba?" tanong ko habang sinusubuan pa din siya ng sopas.

"Wala akong maalala na ganun Vienna," natatawang sagot niya.

"Ah wala pala ah! Ikaw kumain ng sopas mo mag-isa, saka lamunin mo na din tong Cavendish Banana!" sabi ko sabay balat sa banana at subo sa bibig niya.

"Napaka marahas mo, papatayin mo ba ko Vienna?"

"Nag leave pa ko sa office para alagaan ka."

"Di mo naman kailangan gawin yun. Andyan naman si..."

"Si Alice? Tsk!"

"Di pa nga kita asawa, selosa ka na."

"Bakit may balak ka ba?" sabi ko sabay lagay kamay ko sa bewang ko.

Nasa mood ata si gago para mang-alaska at napipikon ako.

"Sit down Vienna. Kamusta na ang braso mo?"

"Daplis lang naman, kakatanggal lang ng benda. Ikaw, kamusta na ang sugat mo? Ready ka na ba makipag makelove sa girlfriend mo?"

"Subuan mo muna ko ng sopas, gutom na ko. Pag busog na ko, baka maalala ko na pumayag ako maging boyfriend mo."

"Tsk! May papakasalan ka pa na nalalaman, drawing ka naman pala," sabi ko habang pinapakain siya ng sopas na parang baby.

"Kamusta na yung step sister ni Mam Chloe? Nahanap na ba?"

"Nahuli na pati yung mga kasamahan niya. Alam mo naman si daddy, napaka efficient pagdating sa ganyang mga bagay."

"Hanggang kailan mo balak magstay dito?"'

"Ang dami mong tanong Migs, kung ako ang sinasagot mo eh di tayo na! Haist! Magstay ako dito sa probinsya hanggang gumaling ka na. Masaya ka na?"

"I am happy Vienna. I am happy that you are safe."

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora