Chapter 10 - Dinner

12.7K 273 8
                                    

Pagdating namin sa hotel restaurant, umorder ako ng maraming pagkain at isang expensive na wine.

"So... Alice, may boyfriend ka na ba?"

"Uhmmm wala pa..."

"Ako din eh, pero I think malapit na," sabi ko sabay hawak uli sa braso ni Migs.

Dahan dahan ko tong hinahaplos na para bang sinasabi ko na sa akin lang si Migs.

She gasped nang makita niya na dinikit ko din ang dibdib ko sa braso ni Migs. Ngayon lang siguro siya nakakita ng liberated na babae. Si Migs naman ay walang kahit anong reaction pero malamang di siya natutuwa sa kalokohan ko.

"Alam mo Alice, sa Manila na magwowork si Migs pagka graduate niya. Madalas na kami magkakasama dahil sa company na ni Lolo Demmy siya magwowork."

"Ah ganun ba?"

"Ikaw? Bakit di ka sa Manila mag work, madami opportunities?"

"I'll think about it."

Aba! may balak nga sumunod kay Migs sa Manila. Type niya si Migs pero pakipot. Ano siya hard to get ang peg?

From time to time ay sinusubuan ko ng pagkain si Migs at nakikita ko sa mata niya na hindi niya ko matanggihan. Si Alice naman ay obvious ang pagkaselos.

Pero part of me nalulungkot kasi feeling ko, ako yung kontra-bida sa love story ni Migs at Alice. Ako yung kontra bulate na may balak silang paghiwalayin.

Bakit ganun? Di ba dapat ako yung bida?

Ang panget naman ng papel ko sa storya na to author! Baguhin mo naman! Mukha kong slutty biatch!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon