Chapter 9 - Alice

13.3K 296 8
                                    

Nang pauwi na kami, biglang nagring ang cellphone ni Migs at sinagot niya ang tawag gamit ang kanyang Bluetooth head set.


"Alice... napatawag ka."

"Surely, saan kita pupuntahan?"

"Sige dadaanan kita, hintayin mo ko. I'll be there within ten minutes."


Sino ang kausap ni Migs? May girlfriend na ba si Migs kaya di niya ko tinatapunan ng pansin?

Shit, parang dinudurog ang puso ko! Mukhang kailangan ko na talagang maghubad sa harap ni Migs para maagaw ko siya sa girlfriend niya!


"Are speaking with Alice, yung kababata natin?" curious kong tanong.

"Yep."

Alam ko mga bata pa lang kami, type na ni Alice si Migs. Maldita si Alice noon at palagi pinapamukha sa akin na magiging asawa niya si Migs someday. Sabagay, mga bata pa kami noon.

"Susunduin mo siya?"

"Yep, daanan lang natin saglit."

"Girlfriend mo?"

"Not yet."

Uy! Not yet...

Ibig sabihin nililigawan niya pa lang niya si Alice. Hindi ito pwedeng mangyari. Sa akin lang dapat si Migs! 

Operation Mang-aagaw Activated!

Pagdating naman sa bayan, andoon na si Alice na naghihintay sa waiting shed. Mahaba buhok, payat, maitim at mahaba din ang palda, parang manang. My exact opposite.

Pero kahit maitim si Alice, namumuti ang kanyang mukha. Feeling ko nga kapag sinapak ko siya, magcracrack ang foundation niya sa kapal. Sobrang red din ng kanyang lipstick na parang kumain ng regla.

Bumaba si Migs at pinasakay si Alice sa pick-up. She keeps looking at me. Siguro nagtataka siya kung bakit may dyosa na kasama si Migs.

"Hi Alice. Nakikilala mo pa ba ko?" malambing kong tanong sa kanya.

At feeling ko, CEO na ko ng Tupperware Corporation dahil sa kaplastikan ko. Ayaw ko sa kanya nung mga bata pa kami at mas lalong ayaw ko sa kanya ngayon.

"I'm sorry po. Migs, sino siya?" naguguluhan niyang tanong.

"Ano ka ba! Ako si Vienna, yung kambal ni Sierra at kapatid ni Elijah at Matthew! Di ba magkakalaro tayo dati?"

"Vienna, hindi kita nakilala..." mahina niyang sagot.

"Kamusta ka naman Alice. Anong work mo?"

"Teacher sa elementary school sa bayan."

"That's nice. Next year, graduate na din ako."

"Vienna, si Alice ay cum laude sa kanilang batch. Dapat sa Manila siya magwowork pero mas pinili niya na mag serve dito sa probinsya natin," singit ni Migs na halatang pinagmamalaki si Alice.

"Wow, how noble. Ang galing mo naman Alice, congratulations! You know what, this calls for a celebration, treat kita. Ang tagal na natin di nagkita. Migs, may hotel restaurant diyan sa bayan na pag-aari ni lolo, dumaan muna tayo."

"Naku Vienna wag na, nakakahiya," tanggi ni Alice.

"Wag ka mahiya. Magkababata tayo. Consider this as my late graduation gift."

"Naku, di na kailangan."

"Alice, ang isang huwaran na teacher na tulad mo ay dapat binibigyan ng value. Minsan lang kita ililibre, tatanggihan mo pa ba ko?"

"Uhmmm sige na nga."

"Alright! Ok lang naman na gabihin tayo Migs di ba?" malandi kong sabi sabay haplos sa braso ni Migs, yung makikita ni Alice.

Tumango lang si Migs at wala ng nagawa pa.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon