Chapter 12 - Friendship

12.2K 274 5
                                    

Pumasok si Migs sa sasakyan at walang bakas ng tuwa sa mukha niya. Ilan beses ko na ginalit si Migs sa araw na ito, baka sapukin na niya ko.

"Oh bakit ganyan mukha mo Migs? You look... angry..."

"Are you happy now? Galit na sa akin si Alice."

"Eh hindi naman kayo di ba? Bakit siya magagalit?"

"You know I'm courting her."

"Kayo na ba? Wala siyang karapatan magalit dahil hindi naman kayong dalawa!"

"Bakit Vienna? Tayong dalawa ba?"

"Hindi pero you know I like you Miguel. Noon pa! Kulang na lang ialay ko sarili ko sayo para mahalin mo ko!"

Kung bakit ko nasabi yun, hindi ko din alam. Siguro dala ng selos or marahil lasing na din ako. Nakakainis na mas kinakampihan pa niya si Alice.

"Vienna, friendship lang ang maooffer ko sayo."

"Friendship? Nakakain ba yun? Mabubusog ba ko dun? Hindi ko kailangan ng friendship!"

I am so mad right now dahil nirereject ako ni Migs. 

In My Face pa! Saklap, supalpal ako.

"Vienna, lasing ka..."

"Tell me Miguel, hindi ka ba naattract sa akin? Wala ka ba man lang feelings para sa akin?"

"That's not the point. Alam mo na tiwala ang pamilya mo sa akin at ayoko abusuhin yun."

"Miguel... Bakit ayaw mo ko mahalin? Anong meron si Alice na wala ako?" mahina kong sabi sabay hikbi. I feel so low and pathetic right now.

Hala na, alcohol na ata ang nagpapatakbo ng utak ko.

Di na kumibo si Migs at patuloy na nagdrive. Ako naman, hindi ko na kailangan ng acting dahil sobrang sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. 

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon