Chapter 32 - Buntis

14.5K 272 3
                                    

Lumipas ang araw at balik trabaho kami ni Migs. Very professional ang ang relationship namin sa office though natetempt ako hilahin siya sa loob ng stockroom.

Bawal lumandi pag nasa office? Yung iba nga sa elevator pa nagtutukaan eh!

"Vienna! Vienna! Bakit ka lutang?" tanong ni Sierra na pumasok sa office ko.

"Haa? Oy buntis, andito ka pala."

"Lutang? Hmmm, let me guess. Pagod sa makelove at iniimagine ang bawat make love scene. Tama ba?"

"Asan si Harvey? Magkasama ba kayo?" change topic ko sa kanya dahil tama ang iniisip niya.

"Hinatid ko sa airport. May important na project sa Tokyo."

"Baka may babae si Harvey sa Tokyo? Alam mo naman na heartbreaker ang asawa mo dati."

"He is a changed man. Confident ako na walang ibang babae ang asawa ko. Kapag nahuli ko siya na may ibang babae, puputulin ko tite niya. Tapos ipriprito ko at papalamon ko sa kanya."

"Babaeng gubat ka talaga Sierra noh? Napaka wild ng mga iniisip mo."

"Bakit ikaw my dear sister, hindi ba wild ang mga iniisip mo kay Migs bago ko pumasok sa office mo? Siguro iniisip mo kung paano ka niya halikan sa bawat sulok ng singit mo?"

"Ha? Wala akong alam sa pinagsasabi mo. Hindi ko minamanyak si Migs sa isip ko! Hindi ko iniimagine na nagkikiss kami sa white beach during sunset."

"Ows? So pwede ko sa bahay mo mag stay mamaya?"

"Ha? Ahhh uhmmm... Kasi..."

"May tinatago ka sa akin, umamin ka! May lalake ka sa penthouse mo noh?"

"Wwwalaa noh!"

"Naglilive-in kayo ni Migs ng patago noh?"

"Wwhat? Hindi nga! Kung gusto mo mag stay sa penthouse, go lang. Ilang araw ka ba mag-stay dun?"

"Wag na pala. Dun na lang ako sa atin. Namissed ko yung kwarto ko saka dala ko si Blackness, yung aso namin ni Harvey. Mas prefer niya sa mansion dahil malawak garden. Andun ba si Elijah?"

"Andoon ang mommy at daddy ngayon. Si Elijah pupunta na ata sa New York."

"Sige, sis iwan muna kita ah? Puntahan ko muna sila hehe," nakakalokong sabi ni Sierra as if may visibility siya sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Eh bakit ganyan ka maka ngisi? Nabuntis ka lang, nabaliw ka na?"

"Bye Vienna. Sabihan mo ko pag ready ka na ishare ang sexcapdes mo kay Migs."

"Sierra!"

"Don't deny it, bitch. I can see right through you," nakakaloko niyang sabi sabay labas office ko.


Lakas tama ni Sierra, wala talaga ko maitatago sa kakambal ko.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon