Chapter 3 - Operation Desperada

17.2K 344 10
                                    

Kahit madami nanliligaw sa akin, wala akong binibigyan ng pansin dahil ang pu.....


....So!


Ang puso ko ay kay Migs lamang. Noon at hanggang ngayon, siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko.


"Hi Migs!"


Pacute kong bati sa kanya habang nagpapahinga siya sa Nipa Hut sa gitna ng rice fields. Nakapants lang siya at shirtless, kitang kita ko ang kanyang toned abs at well chiseled chest, pero mabilis siyang nagbihis nang makita ko.


Sayang, nag-eenjoy pa ko sa pangmamanyak sa kanya, nagbihis naman agad! Tsk!


"Magandang tanghali senyorita. May pag lilingkod ba ko?" seryosong sagot niya sabay turo sa akin ng upuan para maupo.


Madalas poker face si Migs kaya di ko alam iniisip niya. Pero minsan, sinusungitan niya ko na para akong isang nakakadiri na phlegm. Kung di siguro ko apo ng Lolo Franco, malamang sinabunutan na niya ko. Siguro kasi, ako ang epitome ng word na desperate.

At since desperate na nga ako, sinuot ko talaga yung damit na kita cleavage para maakit siya akin. Sinamahan ko pa ng maikling skirt para makita niya ang aking makinis na legs. Yung malaswa na outfit parang pang FHM cover.


"Uhmmm Migs, are you busy later?" malandi kong tanong with matching beautiful eyes pa.

"Medyo. Magdedeliver ako ng bigas sa kabilang bayan."

"Uhmmm, pwede mo ba ko samahan sa ancestral house ni Lolo Demmy. Kung ok lang?"

"Si Hector na lang ang sasabihan ko na maghatid sayo."

"Pero ikaw ang gusto ko!"


Tinaasan lang ako ng kilay ni Migs sa sinabi ko. Suplado mode na naman siya sa akin.


May allergy ba siya sa magaganda?


"I mean, no offense kay Hector pero wala kasi ko tiwala sa iba, sayo lang Migs. Kahit nga katawan ko, sayo ko lang ipagkakatiwala," dagdag ko pero mas lalong tumaas ang kilay niya at kumunot ang noo niya.


Nandidiri kaya siya sa akin sa mga oras na to?


"I mean, tiwala ako na safe ang katawan ko from harm or other accidents, yung ganern. Mahusay ka magdrive kahit sa rough road."

"Aalis ako after lunch," maikli niyang sagot. Obvious na hindi niya ako gustong makasama.


Napipilitan lang siya. Tumigil ka na sa kahibangan mo Vienna.

Landiin mo pa, bibigay din yan! Go! Fighting!


Nagtatalo ang mga conscience ko, pero desperate na nga ako di ba?


"Alright, hihintayin kita dun sa garahe mamaya. Thanks Migs," sabay ngiti ko sa kanya na super seductive.


Operation Desperada Part One Activated!

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon