Chapter 14 - CEO

13.6K 306 6
                                    

Kinabukasan, hindi lingid kay Sierra na namumugto mga mata ko. Cry Me A River a peg ko. Siya mismo ang nag suggest kay mommy at daddy na umuwi na kami agad sa Manila. My twin sister knows me at may idea na siya kung ano nangyari kahit di ko ipaliwanag.

Years passed at naka graduate na ko ng college at masterals habang nagwowork sa company ni Lolo Demmy. Si Migs naman ay naka graduate ng Aeronautical Engineering course at siya ang namamanage ng lahat ng drivers at security details ni Lolo Demmy.

Madalas kami nagkikita sa office pero di ko siya pinapansin.

Why? Ayoko maghabol sa kanya, malamang sila na ni Alice and I don't fucking care.

Charot lang. Of course I still care. Kulang na lang maging stalker ako ni Migs sa dami ng alam ko sa kanya. Pati ata CR breaks schedule niya alam ko.

Nagboyfriend din ako ng isa or dalawa para malaman niya na wala na ko pakialam sa kanya pero siyempre, nakipagbreak din ako eventually dahil nga si Migs mahal ko eh.

Ano magagawa ko, hindi ako makamove-on eh?

Sana someday magkaroon ng isang medical breakthrough kung saan madidiscover kung paano mapapabilis ang pagmomove-on!

"Vienna, aalis ka daw mamayang hapon? Aattend ka ng wedding sa Laguna?" tanong ni Elijah sa akin pagpasok niya sa office ko.

"Kailan ka pa dumating?" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Kaninang umaga lang."

Si Elijah ang CEO ng company ni Lolo Demmy. Sa New York based ang headquarters ng company namin pero madalas andito si Elijah sa Pinas.

May kwento din siya - I Ruined My Bestfriend's Wedding

Samantalang si Kuya Matthew, ayaw naman makialam sa company. Mas gusto niya sa probinsya kasama ang asawa niya na si Angeline. Siya ang nagmamanage ng farm ni Lolo Franco.

"Elijah, gusto mo sumama? Wala ako driver."

"Mukha ba ko driver?"

Tinignan ko si Elijah. Matangkad, maputi, matipuno ang katawan, matalino at mayabang. Isang perfect description ng obnoxious CEO.

Hindi mukhang driver ang kuya ko, mukhang Christian Grey pa nga. Pero kahit kuya ko siya, Elijah lang ang tawag namin ni Sierra sa kanya.

Hehehe. Wala kaming galang kasi sobrang close namin siya!

"So di mo ko sasamahan? Eh bakit ka andito?"

"I just want you to know na si Miguel ang kasama mo mamaya. Siya maghahatid sayo sa Laguna."

"Tsk. Ano tingin mo sakin, di marunong magdrive?"

"Si Lolo Demmy may utos niyan. He's receiving anonymous death threats at pinag-iingat niya lahat ng mga apo."

"Teka, paano si Sierra? Nasa Japan siya for honeymoon."

"Wala naman may alam na umalis siya ng bansa at kasama niya yung asawa niya. Harvey can protect him. Ikaw ang inaalala ko, aalis ka mamaya."

"Pwede ba iba na lang? Wag na si Migs? Madami naman drivers si Lolo Demmy."

Charot lang yun! Siyempre gusto ko na si Migs ang assigned driver ko!

"Sa kanya ka pinagkatiwala ni lolo. Sa baranggay ka pumunta kung gusto mo magreklamo. And besides, gusto mo din naman na kasama si Migs di ba?

"Gusto ko nga, ayaw naman sa akin. Elijah, next time kidnappin natin si Migs tapos pipikutin ko. What do you think?"

"Kawawa ka naman Vienna. Hanggang ngayon baliw na baliw ka pa din kay Migs. Di ka type nun, ayaw nun ng socialite at maarte."

"Alam ko naman yung type niya yung mukhang losyang at nerd. Yung pabebe na kala mo di makabasag pinggan."

"Nasa basement parking na si Migs, dun ka niya hihintayin. Call me kapag nakadating ka na sa Laguna," sabi ni Elijah bago lumabas ng office ko.

Nasa Akin Na Ang Lahat, Except You (Published Under PHR)Where stories live. Discover now