One

70.4K 962 46
                                    

One

Carla...

"Ano ba Jake ang kulit mo," inis niyang sita sa binata.

Kanina pa kasi siya sinusundan nito. Kahit saan siya magpunta nakasunod nang nakasunod ito, daig pa ang aso kung makasunod. Kapag natakasan niya na ito, ilang minuto lang nakasunod na naman sa kaniya si Jake.

"Sagutin mo na kasi ako," pangungulit naman nito sa kanya.

Napairap at napailing naman si Carla.

"Sagutin? Sinagot na kita hindi ba ang sabi ko HINDI... A Y O K O...B A S T E D K A...ikaw lang ang binasted na makulit pa rin." Aniyang dito sa binata at hindi itinago ang inis na nararamdaman.

Tumawa naman si Jake, "hindi kaya, nand'yan pa si Marco. Dalawa kaming masugid manligaw."

Magkaibigan nga itong dalawa, parehas na makulit. Nanliligaw din kasi si Marco sa kaibigan niyang si Kyla. Simula ng gabing nakilala nila ang mga ito hindi na sila nilubayan, at naiinis na siya.

Noong una maayos naman sa kaniya ang binata, mukha kasing mabait. Hindi gagawa ng kalokohan kaya aaminin niyang attracted siya sa binata.

Sino ba ang hindi maaakit sa binata, napakaamo ng mukha nito.

Tantalizing eyes, kissable lips, prominent jaw line, pointed nose. In short gwapo. Akala mo nga hindi makabasag pinggan kung titignan. Male version ni Maria Clara, sa unang tingin dito good boy image ang dating hindi pagkakamalang playboy.

Pero ng bulungan siya ni Issay na Playboy ang binata, naku daig pa ang may sakit na AIDS kung iwasan niya ang binata.

"Tigilan mo ako, 'wag ako Jake." Inis niyang nilagpasan ito.

Papasok na siya sa loob ng boarding house nila ng harangin nito ang dadaanan niya.

"Kain na lang muna tayo ng dinner. Please nagugutom na talaga ako, maghapon na akong walang kain." Pag-aaya nito.

Tinaasan naman niya ito ng kilay. "Hindi ko kasalanan na tanga ka, hindi ko naman dala ang kaldero bakit hindi ka kumain." aniya rito.

Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang mga ganitong klase ng tao na parang kokonsensyahin pa siya mapapayag lang siya sa gusto nito.

"Hindi mo nga dala, ang kaso lang, Carla, my loves hindi ako makakain ng hindi ka kasabay." paglalambing naman nito na hindi naman umubra sa kanya.

"Ito, gusto mong kainin?" sabay pakita sa kamao niya.

Jake cringe while looking at her fist, but he's still smile. Iyong ngiti niya nauwi sa pagngisi na nakakaloko.

"Ayoko n'yan, lips mo na lang pwede ba?" Nakangisi nitong sagot.

Nagpintig ang tenga niya sa narinig na sagot nito. Kaya naman nginitian niya ito, iyong sobrang tamis at nilapitan pa ito nang sobrang lapit. Iyong tipo na hahalikan niya na ito sa sobrang lapit ng mga mukha nila.

Nakita pa niyang napalunok si Jake ng makailang ulit, dahil sa nakita niyang pagtaas at baba ng adams apple nito.

"Gusto mo ng lips ko?" mapang-akit pa niyang tanong sa binata.

Panay naman ang tango nito bilang sagot sa kanya. Nakatitig pa nga ito sa kaniyang mga labi. Sa pang-aasar niya pa, binasa niya ang labi gamit ang kaniyang dila at pasimple pang napa-lip bite. Kaya naman kitang-kita niya'ng hindi naging madali sa binata ang paghinga.

Lalo niyang inilapit ang mga labi niya sa binata, nang ilang hibla na lang ang layo ng mga labi nila. Napapikit pa ng mga mata si Jake. Doon niya naman nakakita ng pagkakataon si Carla, tinuhuran niya ang binata.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon