Epilogue

46.1K 898 62
                                    

Epilogue

Jake...

Pago dang buong katawan niya sa buong maghapon na parang turompong paikot ikot sa lahat ng negosyo niya. hindi lang kasi sa kumpanya ni Malik siya pumapasok, may sarili na din siyang kumpanya na pinapalago. Althought maliit pa lang iyon hindi katulad ng kay Malik na Empire na yata sa mundo ng business, atleast masasabi niya sakanya iyon at siya ang naghirap na maitayo iyon.

"Ahhh!!!..."napangiti siya ng marinig niya ang tili ng anak niya.

Sira na yata ulo niya, dapat nga mag-alala siya kasi nakasigaw na naman ang anak niya. pero sa kaso niya sanay na siya sa sigaw ng anak niyang iyon. Palagi namang nakasigaw ng nakasigaw si Eunice. Ang unica hija nila ni Carla, his four year old beautiful daughter.

"I'm home"hiyaw niya ng makapasok na siya sa loob ng bahay nila.

Sinalubong siya ng anak niyang tumatakbong papalapit sa kanya na may kasamang malakas na tili.

"Dada...dada...my dada is here..."masayang hiyaw nito habang tumatakbo.

"Careful princess"bilin niya dito.

Tangin ang anak lang niya ang sumalubong sa kanya, nasaan naman kaya ang maganda niyang asawa.

"Where's Mimi?"tanong niya sa anak ng nakalapit na ito sa kanya.

"At your room, preparing something"bulong sa kanya nito.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso niya sa binulong ng anak niya. ano kaya ang hinahanda ng mahal niyang asawa.

"Oh, ano na naman ang pinagbubulungan niyong dalawa?"narinig niyang pagtataray ng maganda niyang asawa.

Hinanap niya kung nasaan ito, there he saw his beautiful wife walking down the stairs looking so gorgeous kahit na nakapangbahay lang ito.

"That Mimi is beautiful and sexy"magiliw na sigaw ni Eunice sa ina.

Masaya naman na ginulo niya ang buhok nito sa pagiging bibo nito. Manang- mana sa kanilang dalawa ni Carla, walang duda anak nila nga ito. Pinaghalong sila ng asawa niya, mula sa itsura hanggang sa ugali silang dalawa ni Carla.

"Bolero talaga kayong dalawa, but I know mimi si beautiful and sexy, but no more chocolate Eunice, alam ko din ang ngiti mo na iyan Miller"baling sa kanya ng asawa.

Natatawa naman siya sa naging reaction nito. inirap irapan siya nito na kinuha ang anak nila sa kanya. pero bago siya iwanan ng mag ina niya hinalikan muna siya sa labi ng asawa niya.

"Later Miller"bulong pa sa kanya nito.

Bigla naman siyang naexcite sa 'Later' ng misis niya.

Dumeretso na siya sa kwarto nila para magbihis nan g pangbahay para makasama na niya ang mag-ina niya.

"My love"tawag niya.

"Kids room"sagot nito.

Iyong dati nilang guest room sa ibaba ginawa nilang playroom ng anak nila.

"Dada, look"masayang turo ng anak niya sa mga drawing nito ng mga stick man lang naman ang mga iyon pero makukuha naman agad ang gusto nitong iparating.

"Wow, ang galing ng magdrawing ng princess ko ahh"masaya niyang bati dito.

Pakanta-kanta itong humarap sa mga laruan nito at nagsimula ng maglaro. Nakita naman niya ang asawa niyang nagsalang ng CD sa Cd player ng anak nila. May sarili kasing TV ang anak niya dito sa playroom nito maging sa kwarto nito.

"My love"niyakap niya ito mula sa likod at hinalikan sa pisngi.

"Jake, ano ba"sita nito pero naglalambing din naman.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon