Forteen

18.7K 404 11
                                    

Forteen

Jake...

World War III

Pero silent lang.

Ganyang ang sitwasyon nila ngayon ni Carla. Kasama nga niya sa bahay pero hindi siya pinapansin. Sa sala pa siya natutulog ngayon.

Condo koi to, kwarto koi yon. Pero nandito ako sa sala.

Wala naman siyang magawa kundi ang hintaying humupa ang galit ni Carla sa kanya.

Hindi naman kasi biro ang nakita nito noon sa Bar. Si Stella naman kasi bigla nalang nanghahalik ng biglaan.

Si Carla din malay ba niyang pupuntahan siya nito sa Bar.

"Urgh!!!"inis siya bumaling kaliwa niya hindi niya natantya ang lapad ng kinahihigaan niya bigla siyang nalalag sa sofa.

"Tanginang buhay"mahina niyang daing.

Buti nalang talaga hindi kagaya ng ibang babae si Carla na bigla nalang mang-aaway o kaya ay susugurin ang asawa kapag may nakitang kasamang babae ang asawa nito. pero parang nahihiling niyang ganon nalang sana para naman isang bugsuan nalang ang galit. Hindi katulad ngayon na tatlong araw na siyang nagtitiis sa cold treatment nito sa kanya.

Nalimpungatan nalang siya ng parang may dumidila sa mukha niya. particular na sa labi niya, naimagine pa niyang si Carla ang gumagawa nito sa kanya. na hindi na ito galit sa kanya at ito nga nilalambing na siya ngayon.

Kinikilig siya kasi hinahalik-halikan siya nito ngayon sa labi nito.

Pero dagli lang din siyang napamulat ng makarinig siya ng kahol ng aso sabay karmot sa mukha niya. kaya naman napabalikwas siya ng bangon ng wala sa oras.

Doon lang niya nakita na si Lucy pala ang kanina lang humahalik sa kanya.

"Lucy naman"nakasimangot na reklamo niya.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa lapag. Hindi na siguro siya nakatayo kagabi ng malaglag siya sa sofa kaya doon na siya nakatulog.

"Iniisip mo siguro ang babaeng kahalikan mo kaya pati si Lucy ginagahasa mo"narinig niyang turan ng asawa niya.

Tinatamad na bumangon siya, masakit na ang katawan niya. Tatlong gabi na kasi siyang sa sofa natutulog.

"Hindi ah, ikaw kaya ang pinagpapantasyahan ko. Mamimiss ko na kasi ang mga labi mo"pag-amin niya.

Nanlaki naman ang mata niya ng makita niya ang mukha ni Carla. Hindi ba siya namamalikmata lang, totoo ba ang nakita niyang nagblush ang asawa niya.

"Tigilan mo ako sa mga kamanyakan mo"angil nito.

Hindi nalang siya nagreact para hindi na siya pagalitan pa ng asawa niya. ayaw na niyang makipagtalo dito.

"Bakit nga pala ang aga palang nakabihis ka na?"puna niya kay Carla ng makitang nakapanlakad na ito.

Tiningnan niya ang orasan nila doon at nakita niyang 7:00 palang ng umaga.

"May pupuntahan lang kami ni Mommy Jessica"sagot nito.

Napangisi naman siya sa narinig na sagot ni Carla. Sa tatlong araw na palagi nitong kasama ang mama niya naging close na ito sa kanyang ina. Masayang isipin na nagustuhan din ng mommy niya si Carla, isa pa close na nga ang asawa niya sa ina niya.

Pasasaan ba't magiging okay na din ang relasyon nila ni Carla.

"Oh ano pang tinutunga-tunganga mo dyan. Magbihis ka na at ihatid mo ako"maangas na utos ng pinakamamahal niyang asawa.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon