Thirty

19.6K 474 2
                                    

Thirty

WARNING!!!...SPG AHEAD!!!...

Jake...

Kulang ang salitang nakalutang sa alapaap sa nararamdaman niya ngayon.

Mahal siya ni Carla.

Sa wakas narinig niya din na sinabi ni Carla na mahal siya nito. Na mahal na mahal siya nito.

Dalawang araw na niyang laging kasama si Carla, hindi na nga ito pumapasok sa school lagi lang silang nakakulong sa loob ng unit nila. At alam niyo na kung anong ginagawa kapag nakakulong sa iisang kwarto ang mag-asawa.

"My love, ilan gusto mong baby?"masayang tanong niya kay Carla.

Kakatapos lang nilang magmake love, para ngang wala silang kapaguran na dalawa.

"Sabi ni Mama, mahirap manganak. Kaya tama na isa"sagot ni Carla.

"Okay, tama na ang isa"sang-ayon naman niya.

Umayos naman ng higa si Carla at hinarap siya nito.

"Ikaw ba, ilan gusto mo?"tanong nito sa kanya.

"Kung ilan ang gusto mong anak my love"sagot niya dito.

Nalukot naman ang mukha nito sabay irap sa kanya.

"Seryoso kasi"naiinis na naman nitong turan sa kanya.

Natawa naman siya dito, ang cute kasi nitong mainis. Kaya hindi niya naman maiwasan na halikan ang mga labi nito. He can't get enough with his wife's lips.

"Ano ba Miller, kakatapos mo lang"nanlalaking saway sa kanya ni Carla.

Lalo naman siyang natuwa ng makita niyang namula ang mga pisngi nito.

"Pano naman kasi ang sexy ng asawa ko"biro niya dito.

"Alam ko"nakanguso nitong sagot.

Niyakap niya ito, kahit pa ramdam niya ang pagkabuhay ng pagnanasa niya sa katawan kaya naman niyang pigilan ang sarili niya. alam niyang pagud pa si Carla kaya naman magpipigil pa siya.

"I love you"bulong sa kanya ni Carla.

Hanggang ngayon kinikilig pa din siya sa tuwing naririnig niya ang pag-sasabi ni Carla na mahal siya nito. nakakabakla na pero talagang kinikilig siya.

"Kinikilig na naman noh"tukso sa kanya ni Carla.

Nangingiti naman siyang tumango dito, na umani ng pangingiliti ni Carla sa kanya. Kaya naman bigla niyang iniba ang pwesto nilang dalawa, nasa ibabaw na siya nito ngayon.

"Kanina, gusto kong magpigil. Pero binabawi ko na. ang naughty ng wife ko"bulong niya dito.

"Hep hep...hindi na pwede nagugutom na ako"reklamo nito.

"Ako na muna ang kainin mo"nakanguso niyang sagot.

"Ayoko nga, totoong pagkain ang gusto kong kainin. Mahal gutom na talaga ako"reklamo nito.

Wala na siyang nagawa ng marinig niya ang pagkalam ng tyan nito tanda ng gutom na nga talaga ito ngayon.

Hindi nila pinapunta ang tagaluto nila kaya naman sa labas sila kakain ngayon ng asawa niya. binabalak na niyang mag-aral na magluto para naman mas sweet tingnan. Para maipagluluto na niya si Carla.

"Saan mo gustong kumain my love?"tanong niya kay Carla ng nasa kalsada na sila.

"Jollibee"tuwang tuwa na sagot nito.

Parang bata na pumapalakpak pa ito ng tumango siya, may malapit lang na fast food sa kanila kaya naman hindi siya nagtagal sa biyahe nila.

Pinapaupo na niya si Carla at siya na sana ang bahala na mag-order ng kakainin nila. Pero pinilit pa nito na kasama itong mag-oorder kaya dalawa silang pumila.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon