Twenty-eight

18.6K 397 4
                                    

Twenty-eight

Carla...

"My love, Ahh"nakangising utos sa kanya ni Jake.

Naitirik naman niya ang mata niya sa kababawan ni Jake, nagpapasubo lang naman ito ng ubos sa kanya. Nasa ospital sila ngayon nito, naka-confine ito hindi dahil sa naragasaan ito ng truck noong isang linggo.

Kundi sa naoperahan ito ng appendicitis.

Hanggang ngayon naiinis pa din siya kay Jake, mantakin ba naman niyang scripted ang truck. Sobrang takot na takot siya noon, buong akala niya talaga nasagasaan na si Jake ng malaking truck at ngayon ay biyuda na siya ni Jake.

Pero ang loko, ginamit pa ang ugaling niyang kapag sinabi na sinabi na.

Alam na nito ang ugali niyang iyon, di ba nga nauto na siya nito noon. Kaya nga niya naging boyfriend si Jake noon dahil sa 'word of honor' niya.

Inulit na naman nito ngayon kaya, ayun okay na silang dalawa ulit. Nagsasama na naman silang dalawa, hindi naman kasi alam ng parents niya na nag-alsa balutan siya. Noon kasi doon lang siya sa boarding house tumutuloy kahit sabado at linggo.

"Pwede ba Miller, tigilan mo na ang pabebe style mo. Naayos na ni Hanna ang discharge paper mo, pwede ka ng umuwi"pagtataray niya.

Walang oras na hindi niya natataray itong kumag na ito, masyado kasing pabebe.

"Pwede ba tayong dito na muna, masakit pa eh"nagpuppy eye pa ito sa kanya. tinuro pa nito ang sugat nito.

"Mag-isa ka. Alam mo namang isang linggo nalang graduation ko na"angil niya.

Ang dami pa niyang kailangan na tapusin nakikisabay pa ang mokong na ito.

"Hm, sige na nga. After naman ng graduation mo vacation naman tayo sa Paris so okay, uwi na tayo"anito bago tumayo.

Napailing nalang siya sa kalokohan nito sa katawan, ang dami kasing alam.

Nagtaxi lang silang dalawa ng makalabas na sila sa hospital. Sa taxi pa lang naglalambing na naman sa kanya si Jake, para itong bata kung kumilos.

"My love, gusto ko ng saging"request nito sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito sa kanya. napansin niya simula ng magsama silang ulit kung anu-ano hinahanap nitong pagkain. Ang takaw pa nito, naghire pa ito ng cook nila para daw makatipid ito. kasi nga naman kung anu-ano ang inoorder nito.

"My love, gusto ko ng tinola"anito ng makarating sila sa unit nila.

"Kala ko ba saging?"takang tanong niya dito.

"Oo nga, gusto ko din iyon"masayang sagot pa nito.

"Kakaopera mo lang, kain ka ng kain. Mahihirapan kang dumumi kapag kumain ka ng saging. Ikaw din kapag bumuka iyang sugat mo balik ospital ka naman"sermon niya dito.

"Pero gusto ko talaga ng saging my love"ungot na naman nito.

Naiinis na nagtungo siya sa kusina at ikinuha ng saging ang tukmol niyang asawa.

"Oh"padabog niyang bigay ng saging kay Jake.

"Thank you my love"nakangiti nitong sagot sa kanya.

Naupo na siya sa tabi nito, habang nanonood ito tinetext naman niya ang cook nila na pumunta na sa condo nila. Sinabi na din niya kung ano ang lulutuin nito dahil wala na din kasi silang stock sa bahay.

"My love, gusto ko ng dried mango"ungot na naman sa kanya ni Jake.

Nang lingunin niya ito, nanlaki ang mata niya ng makitang ubos na nito ang isang piling ng saging na inabot niya dito. Wala pang sampong minuto ng ibigay niya ito kay Jake, naubos na agad.

My Secret One (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant