Twenty-seven

18.3K 448 11
                                    

Twenty-seven

Carla...

Excited na siyang umuwi, halos dalawang linggo din kasi siyang hindi nakauwi sa condo nila ni Jake. Ang dami naman kasi niyang kailangang gawin, hindi tulad noong mga nakaraang taon o semester na kasa-kasama niya si Kyla sa lahat ng kailangan nilang tapusin.

Ngayon kasama nga niya sa trabaho ang kaibigan para naman siyang hindi nag-e-exist sa mata nito.

Hindi niya alam kung bakit bigla nalang lumayo ang loob sa kanya ni Kyla. Kung may nagawa man siguro si Marco dapat si Marco lang hindi siya kasama.

Pero kasama siya sa iniwasan ni Kyla at hindi niya iyon matanggap, she felt she was left alone. Hindi siya sanay na hindi nakakausap ang mga best of friends niya.

Si Issay na hindi niya alam kung saan lupalop ng mundo nandoon. Sabi nito tatawagan sila nito kung saan man ito naroon pero hanggang ngayon wala pa din tawag. Tapos ngayon si Kyla nakikita nga niya ito araw-araw hindi naman niya nakakausap dahil hindi siya pinapansin nito.

"Carla, OT ka?"tanong sa kanya ni Vince.

Kapwa niya ito nag-o-OJT doon sa company, IT nga lang ito. Ito ang incharge sa web site ng company maging sa advertisement. Madalas siya nitong kausapin, sabi nga ng mga kasama nila sa trabaho mukhang may gusto ito sa kanya.

Mukha namang mabait, kaso hindi niya type. Isa pa kasal na siya, may Jake na siya. Kahit pa sabihin na walang ibang nakakaalam na kasal siya she will remain faithful to her marriage, to Jake.

"Oo, kailangan kong tapusin itong binigay ni Ma'am Cel"turo niya sa tinatapos na wedding gown.

Nilalagyan niya kasi iyon ng mga Swarovski cristal, at nakakalahati pa lang niya ang ginagawa.

Natawagan naman na niya si Jake na gagabihin siya kaya naman alam niyang wala pa sa labas ang asawa.

"OT din ako"sagot sa kanya ni Vince kahit na hindi naman niya tinatanong.

Nginitian nalang niya ito bilang sagot at nagfocus na sa trabaho. Hindi na niya pinansin pa ang binata, ayaw naman niyang maging rude sa binata. Kaya minabuti nalang niya ipakita dito na busy siya.

Kasalukuyang busy siya sa ginagawa at engross na engross na siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. May dumaing siyang message, hindi na sana niya papansin kaso ang kulit lang masyado kaya naman dinampot na niya iyon at tiningnan.

Galing sa di kilalang numero ang natanggap na message.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita niyang mensahe sa kanya. Mga picture iyon ni Jake, na mukhang nasa isang Bar ito. Okay lang sana kung simpleng nasa bar lang ito. Pero may kasama itong babae na ang sweet tingnan sa litrato.

Nakaakbay ang dalaga sa asawa niya at mukhang naghahalikan, nakangiti pa nga si Jake sa ibang kuha ng litrato. Hindi sana siya maniniwala sa nakikita pero alam niya niyang ngayon lang ito kuha dahil ang suot ni Jake sa litrato ang suot nito kanina ng maglunch silang dalawa.

"Carla, uwi na tayo"aya sa kanya ni Vince.

Nang mag-angat siya ng pansin niya sa paligid silang dalawa nalang pala ang nandoon. Nang tingnan niya ang orasan pasado alas-nuebe na pala ng gabi. Kaya naman nagpasya na siyang umuwi.

Habang lulan ng elevator hindi siya umiimik kahit na kasama niya si Vince doon na salita ng salita. Panay lang ang ngiti niya dito o kaya naman ay tango lang ang naisasagot niya.

Palabas na sila ng building ng mahagip ng mata niya ang kotse ni Jake. Kilalang kilala niya ito kahit malayo pa lang.

Kung kaya mong mambabae kaya ko din...bigla niyang naisip.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now