Thirty-five

20.6K 478 5
                                    

Thirty-five

Carla...

Nalaman niyang bahay ni Jake ang pinagdalhan nito sa kanya. malapit lang sa dating condo nito ang pinatayo nitong bahay. Actually ang sinabi ni Jake bahay nilang dalawa iyon dahil oo nga pala asawa niya si Jake.

So technically bahay niya din ang bahay na ito.

Hindi niya ineexpect na magpapatayo ng bahay si Jake samantalang may condo unit naman na ito.

"Jake"tawag niya kay Jake.

Hindi naman siya sinagot ni Jake, ang paalam kasi nito ay maliligo lang ito. Ang usapan kasi nila ni Jake, uuwi sila sa mga magulang niya. Sasamahan siya nito sa mga magulang niya para ipaliwanag ang side niya kung bakit siya umalis ng bansa.

Ang tagal din nilang nagkumbinsihan na dalawa na umuwi na siya sa mga magulang niya. Nahihiya kasi siya sa mga magulang niya. Nahihiya siyang magpakita sa mga ito pero sa bandang huli nakumbinsi din siya ni Jake. Isa pa naitawag na ni Jake sa mga magulang niya na nandito na siya sa pilipinas.

"Miller"tawag niya na naman dito.

Ang tagal naman kasi nitong maligo, gustong gusto na niyang umuwi sa kanila. Buti nalang talaga wala pang schedule si Issay ngayon at bukas. Pero may pupuntahan sila bukas ng mga kaibigan niya, igagala kasi nila ang mga anak ni Issay.

"My love"humahangos na lumapit sa kanya si Jake.

Gusto niyang matawa sa itsura nito, kasi naman hindi pa ito nakakabihis. Topless pa ito tapos ang buhok nito tumutulo pa halatang halata na kakaligo lang. hindi pa din nito naayos ang pagkakazipper ng pantalon nito nakamedyas palang ang isang paa nito samantalang ang isa naman wala pang sapin. Bitbit nito ang damit sapatos at medyas nito.

"Ano ba iyang itsura mo"pigil ang tawa niya sa pagsasalita.

"Tinawag mo kasi ako"hinihingal na turan nito.

Nagmula pa kasi ito sa second floor kaya napagod sa pagtakbo at nasa sala siya ng mga oras na iyon.

"Tinatawag lang kita kasi gusto ko lang itanong kung tapos ka ng gumayak"aniya.

Pero ang totoo niyan, inaasar lang niya si Jake. sabi kasi niya kanina kung hindi nito mamadaliin ang paggayak iiwanan niya ito.

"Ito patapos na, magsasapatos nalang ako"sagot nito.

Ang bilis nga naman nitong gumayak, halos wala pa yatang sampong minuto.

In no time nasa biyahe na sila papunta sa bahay ng mga magulang niya. kinakabahan siya, at palaka ng palakas ang tibok ng puso niya habang palapit sila ng palapit sa bahay ng mga magulang niya.

"Don't worry to much my love, hindi galit ang mga magulang mo"pagpapalakas pa ng loob niya ni Jake.

Kahit na sabihin nitong wag siyang mag-alala hindi niya pa din maalis na hindi kabahan. Hindi naman kasi biro ang ginawa niya sa mga magulang niya.

Apat na taon niyang hindi kinausap ang mga ito, hindi din alam ng mga ito kung nasaan siya at kung bakit siya umalis.

Naalala pa niya noon na nasangkot siya sa eskandalo noong high school siya na kagagawan ni Oliver. Kitang kita niya ang galit ng papa niya noon, hindi man siya kinausap ng papa niya noon alam niyang disappointed ito sa kanya.

Lalo pa kaya ngayon.

Para naman nasisilihan ang pwet niya ng nasa tapat na sila ng bahay ng mga magulang niya.

Bakit naman kasi nation na walang traffic kaya iyan tuloy ang bilis ng biyahe nila ni Jake.

"My love"tawag sa kanya ni Jake.

My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now