Thirty-nine

20.2K 466 8
                                    

Thirty-nine

Jake...

Halos isang linggo na niyang kasama si Carla, ibinukod na din niya si Carla sa apartment nilang magkaibigan. Sa hotel nilang magkakaibigan niya dinala si Carla.

Pero tinamaan ng magaling nga naman, ayaw niyang magalit sa kaibigan niyang si Malik pero ang galing ng timing kung kailan nakuha na niya ng lubusan ang tiwala ni Carla tsaka naman nagluko ang kaibigan niya.

Natural damay silang dalawa ni Marco, pati nga pala si Benjamin damay na dahil nangliligaw na ito sa kapatid ni Issay.

"My love"tawag niya kay Carla.

Nakabihis na kasi ito at akmang aalis na, dalawang araw na itong pabalik balik sa ospital kung saan nakaconfine ang tatay ni Issay.

"Not now Jake, kailangan ako ni Issay"iyon lang ang sinabi nito bago siya nito iniwanan.

Napabuntong hininga nalang siya, mabigat ang katawan na bumangon siya sa higaan. Susunod nalang siya sa ospital, sigurado pati ang mga kaibigan niya wala din doon.

Lumipas ang isang linggo na ganoon lang ang set-up nila ni Carla, umuuwi naman si Carla sa hotel suite nila. Sabay silang dadating dahil sinusundan naman niya ito sa ospital. Magkatabi silang matutulog, pero hindi mag-uusap.

Pinauwi na ni Issay ang mga kapatid at nanay nito sa Pilipinas, maging ang mga kaibigan nito pero hindi pa agad umuwi ng Pilipinas si Carla dahil na din sa CCM clothing nito. Kailangan niyang maghanap ng tao na mapagkakatiwalaan para kahit na nasa Pilipinas na si Carla tatakbo pa din ang negosyo nito.

Hindi naman niya ito iniwan kahit na pinapaalis na siya nito. baka kasi hindi na ito umuwi ng Pilipinas kung hindi niya ito hihintayin o sasamahan.

Habang naghihintay siya sa loob ng opisina ni Carla sa boutique nito hindi sinasadya natabig niya ang mga nakakalat na mga folder sa lamesa nito.

"Tsk"

Napakunot ang noo niya ng may mapansin siyang isang folder na nakasulat ang pangalan nilang dalawa ni Carla. Kaya naman out of curiosity binuklat niya ito after niyang maiayos ang lahat ng mga natabig niyang folder.

Kulang nalang magdikit ang mga kilay siya sa pagkunot ng noo niya sa nababasa niya. tama ba ang nababasa niya sa papel na hawak niya ngayon.

"Jake"tawag sa kanya ni Carla.

Hindi naman niya makuhang magsawalang bahala sa nalaman niya.

"What's the meaning of this Carla"seryoso niyang tanong sa asawa.

He's holding a annulment petition from Carla. Gustong ipa-annul ni Carla ang kasal nila.

Nakatingin lang din ito sa hawak niyang mga papel. Noong una gulat ang makikita niyang reaksyon nito pero maya-maya lang naging seryoso na ito na nakapoker face.

"Maghiwalay na tayo"sagot lang sa kanya nito.

Nagdidilim ang paningin niya, pero pilit niyang kinakalma ang sarili niya. hindi maayos ang problema niya kung idadaan niya sa init ng ulo ang lahat.

"Ano na naman ba ito? dahil ba sa ginawa ni Malik kay Issay? Hindi parang ang babang dahilan lang nito para hiwalayan mo ako"kinokontrol niya ang boses niya na hindi tumaas.

"Tama ka, pero hindi naman iyon ang dahilan ko."malumanay na sagot ni Carla sa kanya.

"Ano?!"napataas na ang boses niya.

"Hindi na kita mahal. As simple as that"

Natawa naman siya ng pagak sa naging sagot nito sa kanya.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?"hindi na niya napigilan na hindi magalit pa.

My Secret One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon