Four

22.2K 486 16
                                    

Four

Jake...

Naiinis siya kung bakit napapayag ng ganun nalang ni Carla sa gusto nitong mangyari.

Gusto lang naman ni Carla na maging tago ang relasyon nila kung ayaw daw niyang maghiwalay sila.

FLASHBACK

"Magbreak na tayo"

Mahina lang iyong pagkakasabi ni Carla pero sapat na para marinig niya iyon ng malinaw. Napapalatak siya sa kinauupuan niya ngayon.

Pambihira naman kasi, halos dalawang araw pa lang mula ng sapilitan siyang sagutin ni Carla.

Pilitan na nga ang nangyari sa kanila ni Carla tapos hindi man lang nagtagal kahit life time lang ung tipong mga 90 years old na sila ni Carla kung makaisip si Carla na hiwalayan siya. At dahil matatanda na sila hindi na itutuloy ni Carla ang plano niyang pakikipaghiwalay sa kanya.

"Nakikinig ka ba?"tanong pa sa kanya nito.

"Is it because of what happened?"nanghihinayang na tanong niya.

Natahimik naman si Carla at mukhang malalim ang iniisip nito.

"Carla wag naman ganito. Kakasimula pa lang natin hiwalay na agad. Nakuha na nga kita sa pilitan"nakapout niyang turan.

"Iyon na nga, pilit lang naman ang lahat. Kaya wag na nating ituloy"naiiritang sagot sa kanya nito.

"Ayoko!!!"

"Bahala ka basta ako ayoko ng ituloy"pagmamatigas nito.

Naiinis siyang nagdrive na paalis sa Mall.

Pahamak na Mall iyan...

Hindi niya binalik sa boarding house nila si Carla bagkus sa may Condo niya dinala ang dalaga.

"Bakit mo ako dinala dito? Tsaka asan ba tayo?"pagtataray na naman sa kanya nito.

"Sa condo ko"walang gana niyang sagot dito.

Hindi na niya ito hinintay na magsalita o sumagot man lang sa kanya. Kahit naman naiinis siya dito hindi pa din mawawala ang nararamdaman niyang pag-iingat sa dalaga.

Pinagbukas niya pa din ito ng pintuan ng sasakyan niya.

"Bakit mo ba ako dinala dito?"pagtataray na naman sa kanya nito ng makababa na ng sasakyan.

"Para mag usap. Hindi ako payag sa gusto mo"nakasimangot na paliwanag niya.

Laking pasasalamat nalang niya at hindi na nakipagtalo pa ito sa kanya ngayon.

"Lucy!"

Ayaw niyang maging bitter pero naiinis siya sa nangyari. Pahamak talaga ang Mall na iyan bakit ba naman kasi niya naisipan na doon dalin si Carla. Gusto niyang sabunutan at bugbugin ang sarili niya.

"Aww...ang cute"narinig niyang sigaw ni Carla.

Biglang nalighten up ang mood niya ng makitang masaya na si Carla ng makita niya ang alaga niyang aso.

Isang Pomeranian dog na halos limang taon na niyang kasa-kasama sa bahay.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Secret One (COMPLETED)Where stories live. Discover now